"Where are you going this time, Mary Claire?" maang na tanong ni Janellah Pearl sa bunsong. Ngunit dahil sa hindi ito sumagot ay ang asawa naman ang nagtanong. "Anak, aba'y mukhang wala ka nang naririnig ah. Tinatanong ka ng Mommy mo ngunit animo'y sa hangin ito nagtanong. What's the matter with you?" tanong nito. Narinig naman lahat iyon ni Claire. Subalit hanggat maari ay ayaw muna niyang sabihin kahit kanino ang problema niya. Dahil personal problem niya iyon at nakakahiya namang idamay ang pamilya niya. Kaso desidido ang mga itong kulitin at tanungin siya. "Okay, I'm sorry to both of you, Mom, Dad. Sumulpot ako ng wala sa oras at ngayon naman ay aalis ako sana ako ng walang pasabi. Pero maari po bang hayaan n'yo akong lumakad na walang nakakaalam? This is personal problem and I wan