Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa muka ko. Tinignan ko ang orasan sa side table ko at laking gulat ko kasi 10AM na pala. Gosh! Tanghali na akong nagising. 2PM ang start ng party ni Tita Gladys. Kakainis naman kasi si Jake e pinuyat ako. Huy, wag kayong green minded dyan. Pinuyat niya ako kakaisip sakaniya. Yon lang yon. How I wish may iba pa. Martha, p*****t! Haha. Mabilis akong bumangon kahit inaantok pa ako. Anong oras ba kasi akong natulog kagabi? 12AM na ata? Grr. Dumiretso na agad ako sa CR para maligo. Hindi naman sosyalan yung party ni Tita Gladys, simple lang siya kaya kahit ano pwedeng isuot. Blue na bulaklakan na blouse and blue skater skirt ang sinuot ko. Kinulot ko din ang buhok ko tapos konting make up lang. Kinuha ko yung gift ko kay Tita