Nagsimula na din naman agad ang party ni Tita Gladys. Sa may conference hall ng resort ginanap ang party kasi mukang uulan. Talaga atang sinusundan ako ng ulan. Pambihira! Habang busy ako sa pagkain ay hindi ko maiwasang di mapalingon sa gilid ko. Feeling ko kasi may matang nakatingin sakin. Paglingon ko, hindi nga ako nagkamali kasi may nakatingin nga sakin. Pinanlakihan ko siya ng mata pero tumawa lang siya sakin. "Ang ganda mo." He mouthed. Inirapan ko lang siya. Mukang nahalata ni Jake na may tinitignan ako sa gilid kaya nakita kong lumingon din siya. Masamang tumingin si Jake kay Grey. Pero nginisian lang nung little brother ni Yumi ang asawa ko. Bad boy talaga siya. "May gusto ba sayo yang tingting na yan?" Bulong ni Jake kaya naman nagtaasan lahat ng bala