Chapter 2

2241 Words
Bumalik na lang ako sa kwarto ko ng makaalis na si Jake. Until now ay hindi pa din ako makapaniwala sa rules na pinag-effortan pa niya talagang gawin. Like seriously? He really need to make that rules ha. Siguro, gigil na gigil na talaga siya sakin at galit na galit dahil sa pagpapakasal namin. Tama naman kasi siya e, ayaw naman niya talaga sa marriage na to. We do have choice para hindi matuloy ang pagpapakasal namin pero dahil isa akong malaking martir at masokista, that's why I chose to be with him. I chose to break my heart para lang magpakasal kami.   Pinili kong magalit na lang siya sakin basta matupad ko lang ang pangarap ko. Iyong pangarap kong maging asawa siya.   Pumunta na lang ako sa terrace ng kwarto ko at umupo sa may duyan doon. Malakas ang hangin ngayon kasi gabi na at tumatama ang malamig na hangin sa muka ko at tinatangay ang buhok ko. Kitang kita din ang madaming stars sa kalangitan sa pwesto ko. Nakakarelax itong pagmasdan. Nakakawala ng problema. At tugtog na lang ang kulang at magkaka-music video na ako.   "Hays! Why life so complicated?" Naalala ko na bigla kung paano kami napunta sa sitwasyon na to ngayon.   *Flashback*   Kakauwi ko lang galing sa bagong premiere night ng movie ng ultimate crush kong artista na si Jake Villafuente. Nadatnan ko pang gising sila Mom at may kausap silang mukang magasawa ayon sa pagkakahawak ng kamay ng mga ito. I think ka-edad lang sila nila Mom at Dad.   Pumasok naman ako sa bahay para batiin sila Mommy at maging ang mga bisita ng mga to.   "Good evening po." Magalang na bati ko. Nag-bow pa ako sa magasawang kausap nila Mom bago ako umakyat sa room ko. Ewan ko ba kung likas ba talaga akong tsismosa o ano pero imbes na pumasok na ako sa kwarto ko ay eto ako ngayon nagtatago pa talaga para lang makinig sa usapan nila.   "Siya na ba si Martha?" Tanong nung babae. Base sa itsura nung babae ay muka siyang mayaman. Nakita kong tumango lang sila Dad at Mom sa tanong nito. Napaisip naman ako kung bakit bigla akong tinanong nung babae? Kilala niya kaya ako?   "Napakagandang bata naman. Alam kong magugustuhan siya ng William namin." Sabi naman nung asawa niya.  Ano daw? William? Sino naman yon? Si William Shakespeare? Kidding! Oo na, korni ko na talaga!   "Kailangan na nating sabihin sa mga bata ang nalalapit nilang pagpapakasal." Kasal nino? Chismosang chismosa na talaga ang peg ko nalaki na tuloy ang tenga ko sa pakikinig sakanila. Sorry po. Curious lang talaga kasi ako sa pinaguusapan nila.   "Ah, Janet. Pwede bang tanungin muna natin sila kung payag ba sila sa kasalang to?" Tanong ni Mommy dito na parang maiiyak pa. "Kasi, ayaw ko sanang pilitin si Martha dito. Gusto kong ikasal siya sa taong gusto niya at nagmamahalan sila. Diba Honey?" Tumango lang si Daddy sa tanong ni Mommy.   "Sige kung ayan ang gusto niyo. Pero alam niyo naman na may usapan na ang mga Lolo nila tungkol sa pagpapakasal nila ngayong taon." Sabi naman nung asawa nung Janet ang pangalan. Swear! Naguguluhan na ako talaga sa pinaguusapan nila.   Lumapit pa ako ng konti para mas marinig ko ng maayos ang pinaguusapan nila. Nakinig na din naman ako e, edi lubusin ko na.   "Tsaka masyado pa kasing bata si Martha para ipakasal namin. Baka mapakiusapan namin si Papa na ipagpaliban muna ang pagpapakasal." Seryosong sabi ni Daddy sa mga ito.   Literal naman na tumigil ang mundo ko sa narinig. What? Kasal? Kasal ko ba talaga ang pinaguusapan nila? Bakit ako kailangang magpakasal? "Tsaka, nag-aaral pa ang anak namin." Dugtong pa ni Daddy.   "We have no choice. Ayokong suwayin si Daddy sa utos niya. Hmm, kung gusto niyo ipag-kilala na natin ang mga bata. Para malaman natin kung papayag ba sila dito." Sagot ng kung sino man sa apat.   Hindi na ako nakinig pa sakanila. Sobrang sakit na ng ulo ko. Di ko na kayang i-absorb pa ang mga narinig ko. Pakiramdam ko sasabog na ito sa sobrang kakaisip.   Pumasok na lang ako sa kwarto ko at humiga na lang sa kama. Nilabas ko ang picture ni Jake na pinunit ko pa sa bago niyang magazine cover. Hindi ako papayag sa kasal na sinasabi nila, kung hindi  lang din naman si Jake ang magiging asawa ko.   Oo, sobrang obsessed na talaga ako artistang hinahangaan ko na kahit napaka-imposible ay siya ang ideal husband ko. But seriously, sa generation ngayon, hindi na uso pa ang fixed marriage. Pero bakit ganon ang usapan nila?   Sa sobrang pagiisip ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang hawak hawak pa din ang litrato ni Jake Villafuente.   "Baby, wake up. I have something to tell you." Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang boses ni Mommy.   Bigla naman pumasok sa isip ko iyong narinig ko kagabi. Eto na ba 'yon? Sasabihin na ba ni Mom sakin ang tungkol sa kasal na pinaguusapan nila kagabi? Gosh. Kinakabahan naman tuloy ako. Sana naman namali lang ako ng rinig.   "Baby, alam mo ba yung fixed marriage?" Dahan dahan pang sabi ni Mom na para ba akong isang 5-year-old kung paliwanagan niya.   Magsasalita pa sana ulit si Mom ng putulin ko na kung ano man ang sasabihin niya. "I know na Mom kung anong sasabihin mo. Narinig ko po kayo kagabi." Sa wakas ngayon lang nag-sink in sakin lahat ng narinig ko kagabi. Nagulat naman si Mommy sa sinabi ko. Tama nga ata ako. Huhu. Magkakaasawa na ako ng wala sa oras. Ano ba yan!    Hindi siya nagsalita at hinawakan na lang niya ng mahigpit ang dalawa kong kamay.   "Pasensya ka na, baby ko." Parang maiiyak pa ito.   At kahit hindi ko pa din tanggap ang nangyari ay ngumiti na lamang ako. "No need to worry Mom. It's okay." I lied.           Tumango na lang si Mommy at napailing na lang. "Okay, anak. Nagaantay na sila sayo sa baba. Kailangan natin silang makausap." Umoo na lang ako sa sinabi niya kaya lumabas na muna si Mom sa kwarto ko at ako naman ay dumiretso na sa CR para maligo at ayusin ang sarili ko. I need to do this, for the sake of my Lolo's will.   Pababa pa lang ako sa hagdan ay nakita ko na agad iyong magasawa na nagpunta dito kagabi. Lumapit naman sila agad sakin ng tuluyan akong makababa at nakipagbeso. May isa pang kasama ang magasawa na isang lalaki na sa tingin ko ay ka-edad ko lamang. Nakayuko ito at busy sa pag-cecellphone kaya naman di ko pa nakikita ang muka ng binata. Pero wala na akong pakialam doon. Ang dapat kong isipin ay ang 'fixed marriage' na narinig ko kagabi.   "William, meet Martha. Siya ang fiancee mo." Dahan dahan niyang inangat ulo niya at muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko sa sobrang gulat. Waahhh! Totoo ba to? Siya yung magiging asawa ko? Siya yung itinadhanang ipakasal sakin?   Ang Jake Villafuente ng buhay ko? Ang lalaking pinag-papantasyahan ko? Ang lalaking iniidolo ko at tinitilian ko? Wahh!! Ang artista ng buhay ko! Magiging asawa ko na ngayon? Ayoko ng magising pa sa panaginip na to. Ayoko na talaga!   Patago kong kinurot ang braso ko. At ang sakit. So it means totoo siya? Totoong magiging asawa ko si Jake? Waah. Ang swerte swerte ko naman. Juice colored! Pero paano? Bakit? Anong nangyari?   "Since nagkita na kayong dalawa. Alam niyo na siguro ang tungkol sa nalalapit niyong pagpapakasal hindi ba? Pagplanuhan na natin to ngayon." Masayang sabi nung Mommy pala ni Jake. "Ah, Iha.  Ako nga pala si Janet. This is my husband Wilson." I smiled to both of them. Ang byenan ko pala ang mga ito. Haha. Wah. Ang lande ko talaga!   "Ah Janet, tanungin na muna natin sila kung pabor ba silang dalawa sa kasalang to." Suggestion ni Dad. Nakasimangot ito at halata mong ayaw niyang magpakasal ako kay Jake. Lumapit ako sakanila ni Mom at hinawakan ng mahigpit ang kamay nilang dalawa.   "Oh. Right. I'm sorry nakalimutan ko. Oh, Iha. Payag ka bang ikasal kayo ng anak ko?" Walang kaabog-abog na tanong ng Daddy ni Jake."Arrange marriage ang kasal niyo obviously, dahil 'yon ang gusto ng mga Lolo niyo." Dagdag pa nito.   "But don't pressure yourself, anak." Malambing na sabi naman ng Mommy ni Jake.   This is it! Eto na ang tanong na makakapagbago sa buhay naming dalawa ni Jake.   Napatingin agad ako sa direksyon ni Jake. Ang sama ng tingin niya sakin at kagaya nila Mommy at Daddy ay mukang ayaw niya ding magpakasal kaming dalawa.    But, I'm so sorry Jake. Pero chance ko na kasi to para makuha ang matagal ko ng pinapangarap. At ikaw 'yon. Ikaw ang pangarap ko.   "Opo. Payag po ako." Mukang nagulat si Mom and Dad sa naging sagot ko. Kabaliktaran naman ng mga magulang ni Jake kasi natuwa sila sa pagpayag ko dahil may pagpalakpak pa ang Mommy nito. And si Jake. Mukang binabalutan siya ng itim na aura.   "Huhu. Sorry. Jake. Pero gusto kong maging asawa ka. Kahit pa arrange marriage lang to. Atleast, maranasan ko man lang ang maging akin ka."   *End of flashback. *   2 weeks ago nga ay naganap ang kasal namin. Civil wedding lang siya at mga malalapit na pamilya at kaibigan lang ang ininvite ng mga magulang namin. Secret lang din kasi ang kasal namin lalong lalo na sa showbiz. Ayaw nila Mom and Mama Janet na malaman ng mga fans ni Jake na ikinasal na ito kasi baka daw magulo ang pribado kong buhay.   I'm still studying BS Architecture, 3rd year college. I'm only 19 years old kaya ayaw pa din talagang pumayag nila Mom and Dad na magsama kami sa iisang kwartong magasawa. Alam din kasi nilang fangirl ako ni Jake kaya wala na silang nagawa sa kasalan namin. Isang kurot lang ang natanggap ko kay Mom after the wedding. But all in all ay ayos na sakanila ang lahat. Pwera lang kanina kasi talagang aalis na ako sa bahay kasama sila kaya nalulungkot silang dalawa. Kahit naman ako ay malungkot pero kailangan e. Iba na ang mundo ko dahil may asawa na ako.   Minulat ko ang mga mata ko dahil sa pagtunog ng cellphone ko.   Without looking to my screen ay sinagot ko na ang tawag. "Hello?"   "Gosh. Sissy, I missed you!" Exaggerated na sigaw ng nasa kabilang linya.   "Namiss din kita Yumi Grace." Nagpipigil lang ako ng tawa. I bet any minute she will become a monster.   Yumi Grace Lim is my one and only friend. Magkaibigan ang mga Mommy naming dalawa kaya nagkakilala kami ni Yumi at iyon nga mukang nalipat samin ang skinship because Yumi is my best friend. Alam namin lahat about each other. Mga tinginan pa lang namin, alam na agad namin ang ibig sabihin. We shared problems, heart breaks and kahit mga magagandang nangyari sa buhay namin.   "Diba I told you na wag na wag mo akong tatawagin sa buong pangalan ko?! I'm fine with just Yumi. Understand?" Kahit di niya kita ay tumango na lang ako.   "Yes Madam. Oh? Bakit ka napatawag?" I asked her while walking towards to my bed. Masyado ng malamig sa labas kaya pumasok na ulit ako. I closed the blinds at sumampa na sa kama.   "Hindi ba pwedeng namiss ka lang sissy?" Sarcastic na sagot niya.   "I know you well, sissy. Spill it na."   "Okay okay. I got a call from Tita Marita and she told me na lumipat ka na daw sa iyong new home sweetie home. So gusto ko lang kamustahin ka lang." Bakas sa boses nito ang pangaasar. Baliw talaga siya.   "And?"   "And, gusto ko lang din malaman kung nasa iisang kama ba kayo ngayon?" Grabe talaga ang takbo ng utak nito. Sobrang berde!   "Hindi 'no. Kahit gusto ko si Jake, hindi ko naman ibibigay agad ang bataan no? At magkaiba kami ng kwarto." Tawa ng tawa ang bruha sa kabilang linya. Makakatikim talaga to sakin ng sabunot bukas na bukas din.   "Too defensive. Haha. Huy, alam mo sissy si Grey? Haha. Nakakaawa, naiyak siya sakin nung isang araw. Haha. Bakit daw nagpakasal ka na. Haha. Lakas ng tama sayo Sissy. Ganders talaga!" Natatawa pa ding sabi nito sakin. Sira talaga. Pagtawanan ba daw ang kapatid? Yeah. Grey Yexel. Yung younger brother ni Yumi na nagtapat sakin na may gusto daw ito sakin. And it's really weird kasi I'm 3 years older than him kaya tinawanan ko na lang yung pagtatapat niya sakin.   "Haha. Baliw ka na nga sissy. Sige na. I have to sleep na. See you tomorrow! Ciao!" Hindi ko na inantay ang sagot niya at pinatay ko na ang tawag at bumalik na sa pagkakahiga matapos kong magpalit ng pantulog.   I was about to sleep nang maalala ko iyong kwento ni Yumi. Naisip ko iyong tungkol sa younger brother niya na si Grey. Bakit nga kaya ganon ano? Yung taong ayaw mo, siya namang may gusto sayo. At yung taong gusto mo, ay siyang ayaw na ayaw naman sayo.   Look how complicated love is. Hindi ba pwedeng mahal ka niya at mahal mo siya, end of story na? Hindi ba pwedeng wag na akong mahalin ni Grey at si sana si Jake na lang ang magmahal sakin?   "Hays! Ano ba naman iyan Martha. Dati iyong schedule lang ni Jake ang iniitindi mo, ngayon pati pagibig pinoproblema mo na din." Sinubsob ko ang muka ko sa unan at nagtalukbong na lamang ng kumot. Mas mabuti pang matulog na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD