I was packing all my things when someone tap my right shoulder.
"You don't need to this, anak." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag-iimpake. "Anak, alam kong masaya ka naman sa magiging buhay mo ngayon. Pero ingatan mo pa din ang sarili mo. Ayoko mang mangyari to pero eto ang ginusto ng Lolo mo. Wala kaming kakayahan para hindi sumunod sakaniya." Seryosong pahayag ng Mommy ko pero hindi ako sumagot.
I'm not mad naman to my Mom lalong lalo na kay Lolo. In fact, sobrang saya ko pa nga kasi yung lalaking iniidolo ko ay asawa ko na ngayon. Yes, I already got married and yes, I know naman that my Mom only wants the best for me since only child lang nila ako ni Daddy. Pero sadyang matigas lang siguro ang ulo ko at pinilit pa din ang kasalang to.
Jake William Villafuente and I are married 2 weeks ago. Just because of that arrange marriage na pinagkasunduan ng mga Lolo namin. Nakakatawa diba? Sa generation namin ngayon uso pa pala ang fixed marriage. Pero ayos lang, masaya naman ako sa naging outcome ng pagpapakasal na 'yon. Dahil sa kasal na kami ay kailangan naming magsama ni Jake sa iisang bahay. Pabor sakin 'yon kasi lagi ko na siyang makikita. Because, I am his loyal fangirl. At kahit sinong isang fan na tulad ko ang mapakasal sa iniidolo nitong artista ay sobra sobrang saya. Gaya lang ng nararamdaman ko ngayon.
Pero si Jake? Sure akong ayaw niyang magpakasal sakin. Alam ko na ayaw sakin ni Jake because he has a long time girlfriend and he loves her damn much. Balita ko nga ay ang dalawa ang magpapakasal pero dahil umeksena ako kaya hindi na iyon matutuloy pa.
But instead of letting Jake go, ay hindi ko ginawa. Talagang martir at tanga lang siguro ako like what my best friend said kaya masaya pa ako na kasal na kami. Pero bagay naman sa pangalan ko diba? Edi panindigan ko na lang. Atleast now, I am Mrs. Martha Domiguez-Villafuente. And it's a dream came true!
"Mom, I can take care of myself. Ikaw po ang kailangan magingat dito, kayo ni Daddy. Pwede niyo naman po akong puntahan don sa magiging bahay namin ni Jake." Sinarado ko na ang maleta ko at kinuha ang shoulder bag ko. Nauna ng ilipat yung ibang gamit ko don. "Mom, I have to go. Basta, just text me if there's a problem here. Okay? I love you so much." I kissed her forehead at lumabas na ng room ko. Sumunod din naman siya sakin agad.
Naabutan ko sa baba si Dad na inaayos ang sasakyan ko. Hindi ko mapigilang mapa-ismid. Nasan ang driver namin? Bakit si Daddy ang gumagawa nito?
Napabuga na lang ako ng hangin atsaka lumapit sakaniya. "Dad, aalis na po ako. Di niyo na naman po ako kailangang ihatid pa. I can manage." He just nodded. I kissed him and he handed me my car key.
"Take care baby. Don't hesitate to call us ha?" I smiled to them and started the engine. "Bye baby girl." Sabay na sabi ng mga ito.
This is the first time na mawawalay ako sa parents ko kaya ganun na lang ang pag-aalala nila sakin. They're not really agree to this marriage gaya nga ng sabi ni Mommy kanina, kung kaya lang nilang suwayin si Lolo nagawa na nila. Pero hindi. Wala silang nagawa at nagpakasal agad kami ni Jake. Gustong gusto ko ang nangyayaring to kasi mahal na mahal ko ang artistang 'yon kaya kinausap ko sila na pumayag na lang at wala na din naman silang nagawa at sinabi na lang na they trusted me naman daw.
Basta, ang rule lang nila sakin ay, wag daw akong iiyak.
How I wish, hindi nga ako umiyak habang magkasama kami sa iisang bahay. Pero sana hindi, sana gaya ng ibang love story ay matutuhan din niya akong mahalin o kahit hindi niya ako mahalin basta maging mabait lang siya sakin. Sana. Madaming sana.
Hindi naman ganung kalayo ang bahay namin ni Jake from my parent's house. Since nasa Taguig lang naman ang bahay ng parents ko at sa Ayala Alabang ang magiging bahay namin ni Jake. His parents bought this house for the both of us as their wedding gift. Kaya kahit gustuhin nila Mommy na doon na kami ni Jake sa bahay namin ay wala kaming nagawa dahil may bahay na kaming magasawa.
Magasawa.
Hays, ang sarap isipin. Sana lang ay maging masaya kaming dalawa.
Lumabas yung maid namin at pinagbuksan niya ako agad ng gate.
"Good evening Ma'am." A lady wearing a maid's uniform greeted me. I smiled to her atsaka bumati pabalik bago pinark ang kotse ko sa garage ng bahay.
Hindi ko napigilang mamangha ng makababa ako mula sa kotse. May malawak na garden na punong puno ng mga bulaklak, may swimming pool sa may gilid at may fish pond pa. "Wow." Bulalas ko. Sosyal na sosyal ang bahay na niregalo ng mga magulang ni Jake samin. Feeling prinsesa lang ako kapag tumira na ako dito. At si Jake ang prinsipe ko. Haha.
Iginala ko ang tingin ko sa labas ng two-storey black and white house na siyang lalong nakapagpadagdag ng pagiging elegante ng bahay. From ceiling to floor ay sobrang ganda din ng disenyo.
And from an Architect student like me, mapapansin mo talaga ang bawat detalye ng bahay na nasa harap ko ngayon.
"Ang ganda!" Manghang bulalas ko.
"Ay opo, Ma'am Martha. Si Sir Jake po ang nagdisenyo ng bahay na ito." Nilingon ko ang nagsalita sa likuran ko at nakita ko iyong babaeng bumati sakin. "Ang galing galing po ni Sir ano, Ma'am?" Nakangiting dugtong pa ito.
Sunod-sunod naman ang pagtango ko sa sinabi nito. Yes, mahihiya ang word na amazing sa bahay na ito. Indeed, Jake is really the best.
Ngumiti lang ako sa babae at nagtuloy tuloy na ito papasok ng bahay habang bitbit ang mga gamit ko. And I've decided to enter also dahil excited na din akong makita ang itsura sa loob lalo pa't si Jake pala ang nagdisenyo ng bahay. By the way, Jake is a Civil Engineering student. Graduating na siya this year.
Mas lalo akong humanga ng makita ang loob ng bahay. Kung maganda na sa labas ay mas maganda pa pala dito sa loob.
Black and white din ang kulay nito sa loob kaya ang sarap sa matang pagmasdan. Pagpasok mo pa lang sa loob ay bubungad na agad sayo ang hagdan na gawa sa glass. Ang lawak din ng living room. Para sa dalawang taong titira dito ay sobrang laki pala talaga ng bahay. Kumpleto din ito sa gamit at halatang pinagkagastusan ng mga magulang ni Jake ang mga ito. Sabagay, mayaman naman kasi talaga ang mga Villafuente.
Katabi naman ng living room ay ang kitchen. White and brown naman ang kulay ng magiging kusina namin. Sa gilid naman nito ay ang magsisilbing dining area which is a 9 seater at puro white and brown din ang muebles dito. Isa lang ang masasabi ko sa parte na tong bahay. "Perfect!" Gaganahan lalo tuloy akong mag-bake at magluto dito. Cooking and baking are my hobbies. Siguro sinabi ni Mommy kay Mama Janet- yung Mommy ni Jake na kusina ang tambayan ko. Hihih. So amazing!
"Ma'am, nailagay ko na po sa kwarto niyo ang mga gamit niyo."
"Okay po. Salamat err-"
"Marie po." Magalang na sagot nito.
"Okay, Marie. Salamat." Tumango lang ito at nagpaalam na lalabas para kuhanin ang pinamili daw nito.
Hindi na din ako nagtagal pa sa kusina at pumunta na agad ako sa second floor para naman icheck ang mga rooms.
This house has 5 rooms in total. Inisa-isa kong chineck ang mga kwarto sa taas. Yung room na color white ang door is theater room, isang guest room at yung magiging room namin ni Jake. Syempre, kahit magasawa na kaming dalawa, di pa din kami pwedeng matulog in one room. That's my dad policy. I'm just only 19 pa daw, I'm still his baby pa daw. Pero ayos lang naman sakin kasi baka ayaw din naman akong makasama sa kwarto ni Jake.
Bubuksan ko sana ang isa pang kwarto sa tapat ng kwarto ni Jake pero naka-lock iyon. Kaya hindi ko na lang pinilit pa kasi baka may mga importanteng bagay ang nasa loob noon.
Lumapit na lang ako sa isa pang room which next to Jake's room. Ayon kay Marie- our maid ay ito daw ang magiging kwarto ko.
Pagpasok ko pa lang ay na-relax na agad ako sa kulay ng kwarto. Red and white are my favorites, kaya sobrang saya ko ng makitang iyon ang kulay ng kwarto ko. Iginala ko agad ang mga mata ko. Nandito ang mga collections ko ng mga perfumes and bags sa walk in closet. Nakaayos na din lahat ng gamit ko including my picture frames ay naka-sabit na din sa wall.
Nakakatuwa naman at mukang welcome na welcome ako sa bahay na to. Humiga ako sa malambot na kama ko atsaka niyapos ang unan. Naisip ko naman bigla si Jake. Nasan kaya iyon? Bakit kaya wala pa siya dito sa bahay? Hindi ba niya alam na ngayon kami lilipat dito? Hmm, di bale na nga. Bahala na siya. Baka magalit lang itong lalo sakin kung tatawagan ko ito.
Pinikit ko na lamang ang mga mata ko. Gosh. I'm so tired na pala. So after a couple of minutes ay tinangay na din agad ako ng antok.
"Ma'am nandyan na po si Sir Jake." Tawag ni Marie sa labas ng kwarto ko.
Mabilis naman akong nag-ayos ng sarili ng marinig ang sinabi nito. Ayoko namang humarap kay Jake na halatang bagong gising ako. Gwapo pa naman niya tapos ako mukang ewan lang? Hay nako! Ang unfair ng life! Haha!
Simpleng pants lang ang ipinampalit ko na tinernuhan ko ng 5 inches heels and white 3/4's na polo. Hindi naman nagulo ang curly hair ko gawa ng pagkakatulog kaya naman lumabas na agad ako para puntahan si Jake na nagaantay daw sa living room. Ayoko namang pag-intayin ang asawa ko baka lalo pa yung magalit sakin. Kailangan kong magpa-impress sakaniya. Haha.
Pababa na sana ako ng hagdan ng mapansin ko na ang gwapong lalaking prenteng naka-upo sa couch. Napatingin naman agad ako sa labas at sobrang dilim na pala. Napasarap pala ang tulog ko. Nakakahiya tuloy kay Jake. Sana naman ay hindi siya galit.
"H-i." Nauutal na bati ko sakaniya ng tuluyan akong makalapit sakaniya. Gosh! Ikaw ba naman tignan ng isang Jake Villafuente. No I mean titigan niya ewan ko na lang kung makahinga ka pa ng maayos. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko ng tumingin siya sakin. Feeling ko any minute ay lalabas na ito sa dibdib ko. Geez. Nakakatakot talaga siya! Pero nung fan naman niya ako, lagi siyang nakangiti? Bakit ganito na siya ngayon? Totoo kayang pakitang tao lang ang mga artista? Huhu. Hindi naman siguro. Iba si Jake! Iba ang asawa ko! Chos!
"Sit." Walang ganang utos nito sakin.
Grabe. Sit? Para naman akong aso nito e. Hmp! Sinunod ko na lang siya at umupo sa couch na medyo malayo sakaniya. Hindi kasi nag-fafunction ang utak ko kapag malapit kami sa isa't isa. Pasalamat siya ay love ko siya kaya kahit masungit siya ay ayos lang sakin.
Pagkaupong pagkaupo ko pa lang ay may inilagay na agad siyang puting folder sa center table.
"Ano to?" Naguguluhang tanong ko.
"See for yourself." Seryosong sagot naman nito sakin. Wala man lang ka-emoemosyon si Jake. Grr. Maloloka na talaga ako sakaniya. Promise! I know he is mad at me pero wag naman sana siyang ganyan sakin diba? Oo na nga. Di na lang ako mag-eexpect from him. Baka mahurt lang ako.
I opened the white folder right away kasi baka magalit pa siyang lalo sakin if I didn't follow him. Binasa ko na din agad yung nakasulat sa loob ng folder na to.
FIVE IMPORTANT RULES
Rules? What the! Bakit may ganito pa? Para saan naman?
1. You can do whatever you want and I can do mine. We don't care about each other. I want to have privacy kahit mag-asawa na tayo.
2. Kapag kaharap natin ang parents natin, most especially sila Lolo, we need to act like a real couple. We need to be sweet and caring in front of them. I repeat in front of them. Just in front of them.
3. Don't expect anything from me. Kasi alam mong disagree talaga ako sa kasal na to. So, don't act like a real wife of mine. Wala na lang pansinan dito sa bahay. Para bang di ako nag-eexist at syempre ikaw din para wala na lang gulo.
4. You can have other relationship, me also. That's fine with me. Kasi kasal lang naman tayo sa papel.
5. AND NUMBER 5. DON'T FALL IN LOVE.
Ano daw? Don't fall in love? Eh halata naman niya siguro na fangirl niya ako, so otomatik na I like him! Grr. Kakainis naman itong rule na ito! Bahala na nga. Mukang galit na galit talaga siya sakin para gumawa pa siya ng mga rules na ganito.
Napayuko na lang ako kasi feeling ko tutulo na ang mga luha ko. Eto na ba sinasabi niyang pahihirapan niya ako habang nasa iisang bahay kami?
Jake ano ba?! Ayaw mo ba talaga sakin? Huhu!
"Isa pa, wag na wag kang pupunta sa trabaho ko at lalapit sakin sa school. Okay? Just act like we don't know each other." Tumango na lamang ako sa sinabi niya kasi wala naman akong magagawa doon at umalis na din siya agad nang hindi man lang nagpapaalam sakin.
Tsk. Malamang, wala nga pala kaming pakialaman.
I heave a heavy sigh. Totoo na to, naiiyak na talaga ako!
But I don't have any choice. Kailangan ko ng alisin ang feelings ko for him dahil ako lang ang masasaktan sa huli.