Chelsea’s POV HINDI ko inaasahang kakausapin ako ni Amy. Ayoko siyang tawaging ate dahil hindi ko naman siya kamag-anak, o kahit siya ay kamag-anak ayokong magkaroon ng uganayan sa kanya. Ang sama ng ugali niya. “Bakit gusto mo akong makausap? Hindi pa ba sapat ang pang-iinsulto mo sa akin last time, dadagdagan mo pa ba?”sunod-sunod na sabi ko. Ang sama talaga ng ugali niya. “Tigilan mo na ang pamilya ko. Sa palagay mo magtatagumpay ka na makuha mo ang loob nila? Hindi ko papayagan iyon,” galit na aniya. Natawa ako sa kanyang sinabi. Ang kapal ng mukha niyang sabihing pamilya niya ang pamilya ko. “Nakakatawa ka naman kung makasabi ng pamilya ko. Alam ko ang agenda mo kaya ayaw mong mapalapit ako sa pamilya ko. Gusto mo lang angkinin ang dapat para sa akin at sa mga kapatid ko. A