Audrey NAPAPALUHA ako habang nililigpit ang mga gamit ni Inay. Hindi ko akalain ang biglaang pagpanaw niya dahil sa sakit sa puso. Sinisisi ko ang aming sitwasyon, dahil kung malapit lang sana ang bahay namin sa bayan ay baka nalapatan agad ito ng gamot. Idineklara itong dead on arrival nang dalhin namin sa hospital. Samantalang si Itay naman ay patuloy pa rin sa pagtatrabaho sa sakahan. Naawa na rin ako kay Itay, mabuti na lang at naka-graduate na rin ako. Sa wakas ay makapagtatrabaho na rin ako. Matutulungan ko na rin si Itay at ang mga kapatid ko. Kahit noong hindi pa ako graduate ay buo na ang pasya kong magtrabaho sa Maynila. Dahil kung dito lang sa probinsiya ay wala gaanong mapapasukang trabaho, idagdag pa na napakababa ng sahuran dito. Ang p