In that day, hindi nanaman mapalagay ang puso ko, kakaiisip kung ano ba talaga ang intention ni Harris. Bakit siya ganoon? Minsan nakakaloka na mag-iisip, ang hirap kasi niyang hulaan. May times na maiinis ka sa kanya, then later on babawi siya agad. Hindi ko na alam. "What's that?" tanong ni kuya sabay turo sa hawak kong plastic. "May nagbigay lang...juice ito." Hindi naman siya nagtanong pa muli, tumango-tango lang siya. Pauwi na kami ng bahay, katatapos lang ng klase, dala-dala ko ang plastic na may lamang juice na gawa ni Harris. Sa tuwing nakikita ko ito, para akong mababaliw sa hindi ko malamang dahilan. Napapakagat labi na nga lang ako, I can't believe it. Isang Harris na sobra kong insultuhin ako ay biglang magkakaganito. I didn't expect, he will gonna make an effort for