Jessy Mejares POV Pagkagising kina-umagahan, agad kong chineck ang f*******: account ko kung in-accept ba ni Harris ang friend request ko sa kanya kagabi, pero laking disappointment ko nang makitang hindi man lang nag pop-up sa akin kung kinonfirm niya ba. Paulit-ulit ko pang tiningnan ang account niya kaso naka friend request pa rin talaga. Hindi kaya siya active sa mga social media's niya? Siguro busy sa business niya kaya wala siyang time magbukas ng sss. Imbes na mainis sa isipang hindi man lang ako in-accept ni Harris sa sss, iyon ang dahilan kong rason para magiging masigla sa umagang iyon. As usual, sabay pa rin kami ni kuya na pumasok sa paaralan. Hinatid niya ako papunta sa class room ko. Nasa hallway pa lang kami nang magsi-ingayan na ang mga tao sa paligid. Nagbubulongan