Jessy Rainylene Mejares POV
"What course, would you like to get in college, Jess?" My mom ask during our dinner.
I stop chopping my food. Nag-isip sa tanong niya. Sa totoo lang wala pa akong idea sa gusto kong course. Noong nasa senior high pa lang ako pinag-iisipan ko ito nang todo. I think this is my calling.
"Nursing, I guess."
Gusto kong maranasan ang pagiging nurse. I like their uniform, their appearance. Also their job. Kaya naman ng gastos 'yun. We're rich, not so rich, sakto lang. May maliit na negosyo si Mommy at Daddy sa industry.
"Are you sure? Nursing talaga?" patuyang saad ng kapatid kong si Andrew. Iniling niya ang ulo tila hindi makapaniwala sa gusto kong kurso.
"What's wrong kuya?" I crest my forehead. Mukhang minamaliit niya yata ang gusto ko.
"I thought you want tourism. That's how, I saw in your appearance."
"Wala akong makukuha roon." I rolled my eyes
When I was a child I really want to become a flight attendant. But now, my mind was change. Gusto ko ng maging nursing.
Ganon siguro kapag tumatanda ka na at na dagdagan ang edad. Magbabago talaga ang pananaw mo. Hindi ka pwedeng mag-iistick lang sa gusto mo. Mababago at mababago 'yun, lalo na ang pananaw.
"If you like that course. Then, we will provide your needs, iha. What school would you like to study?" Si daddy naman ngayon.
Nag-isip ulit ako. My friends way back in junior high gusto nilang sumama ako sa kanila. Gusto nila buo pa rin kami sa grupo ng mga mean girls. But not so mean, we only fight para ipag-tanggol ang na-aapi at pahirapan iyung ng aapi ng kapwa studyante. We're not so mean like you think. We called our selves as a guardian. Yeah, I am a bad ass girl. Yet so spoiled from everything. But I know how to fight, and bring justice of what is right and wrong.
"La Salle is enough, Dad," sagot ko na ika-tawa ni Andrew. Pinandilatan ko siya ng mata. What's his problem? Kanina niya pa tinatawanan ang desisyon ko sa buhay. Para bang minamaliit niya ang gusto ko.
"Masyado kang malayo sa akin, Jess. Sa Xavier University ka na lang mag-aral. Mababantayan pa kita roon."
"What? No way, Kuya!" Agad namuo ang iritasyon ko. "I am not a child anymore. Para bantayan mo. Ayaw ko sa pinapasukan mong school. Wala akong friends doon." Ngumuso ako.
"You have your brother, Jessy. Mas maganda nga’ng doon ka mag-aral sa pinapasukan niya. That's a good idea.”
"Yeah, right, mas safe ka roon kasi 'andon ako,” ngisi ni kuya Andrew. Sang-ayon talaga sa gusto niyang iparating.
My kuya is taking up business administration. Siya kasi ang susunod sa yapak nina Daddy pagdating sa pagnenegosyo. He is third year college right now. Samantalang magfi-first year college pa lang ako.
"No way! Ayaw ko sa pinapasukan mong school. Kuntento na ako sa La Salle," pinal kong saad.
"Pero mas magandang matingnan kita roon. First time mo pa sa college. You need my help little sis."
"I told you. I am not a child anymore! Ayaw kong mahalo sa'yo. Specially sa mga kaibigan mong matatanda. Duh!" I rolled my eyes again. Acting like a spoiled b***h.
There's nothing wrong with his cycle of friends, pero feeling ko hindi ko kayang makipag sabayan sa ka-edad niya. Wala akong friends doon kapag same school kami.
Wala ngang nagawa ang pamilya ko sa gusto kong kurso. Pati ang paaralan na gusto ko. Wala silang tutol doon. Gusto lang talaga nila ng safety ko dahil fresh graduate pa lang ako from senior high. I am still eighteen. My debut was held last month. Mga friends ko lang ang inimbitahan ko at konting friends ni kuya na kilala ko lang.
It was fun. Dahil naka-sayaw ko ang 18th roses and candles. Also my crush was there. He was my last dance. And speaking of him. He is calling me in skype right now. Kanina ko pa hinihintay ang tawag niya sa akin. At last he called.
Agaran kong swinipe ang answer button. Bumungad sa pagmumukha ko ang mukha ni Abram Dawson. Kahit sa kulay green na mata nito ay masyadong nakakadala ang kanyang mga mata. He is so handsome in the screen. Hindi ko maiwasang kiligin. He is my crush since high school, hanggang mag-senior high kami.
Half British si Abram. Kaya naman klaro sa kanyang kulay ang pagiging dugong bughaw. Modelo rin si Abram sa teens magazine. 'Yong mommy niya ay isang pilipina at ang kanyang ama ay British naman. He is the hearttrob in my school way back. Nakakamiss ang maging high school noon. Nandon lahat ng kalokohan. But now, mukhang seryoso na ako. I am proceeding as my college life soon. I can't wait anymore. Mas exciting yata ‘pag college na.
Sabi nila nandon ang stress but for me. I can handle the stress as long as I love my course.
"Hello Abram. How are you?" I ask while smiling widely. Mukhang kagigising niya lang sa mahimbing na tulog dahil magulo pa ang buhok niya.
Umayos siya sa pagkaka-upo at nakangiti akong tiningnan sa screen. Everyday we do our video calls. Day and night. Nagkamustahan kaming dalawa.
Nasa vacation kasi sila sa United Kingdom kasama ang parents niya kaya naman hindi kami nagkikita ngayon. Bumibisita siya sa amin every summer pero ngayon hindi niya magawa kasi nasa ibang bansa sila. I miss this man.
"I'm good. How about you, Jessy?"
"Same with you. Kailan kayo uuwi ng pilipinas?"
"Next month. May inaayos din kasi si mommy at daddy rito."
Nakatira sila Abram sa Pilipinas for a very long time. Dito na rin nagtayo ng business ang kanyang ama.
"I see. Saan ka mag-aaral pagka-bukas ng enrollment? La salle kasi ako,” pangunguna ko pa.
I wish we have the same school. I sighed. Pag 'di kami pareho, then we can communicate by the way, through social media. Bibisitahin niya naman ako rito sa bahay ‘pag week ends.
"Let me think."
Nag-isip siya nang ilang sandali. Pinakatitigan ko na lang ang mukha niya. Kahit saang angulo tingnan. Gwapo talaga siya. I adore him, not because of his face. Also his attitude. Mabait si Abram kaya naman halos tinitilian siya ng mga babaeng friends ko noon, up until now. Pinagkakangulo rin kaming dalawa. Tinawanan ko lang 'yun dahil gusto ko naman na ginaganon.
Why? He is my crush. Sino ba ako para aarte kung ipagdiinan kaming dalawa.
"Kung saan mo gustong mag-aral doon na rin ako."
Biglang kumabog ang puso ko sa excitement. I can't wait anymore. Kung ganon, makakasama at makikita ko pa rin siya sa pag co-college this opening of classes.
"Really? Anong course mo?"
"Gusto ni daddy na mag-architect ako. So..."
Nadismaya agad ako ng marinig ko 'yun. Sayang naman. Ang layo ng course na 'yun sa gusto kong kunin. I hate architect, masyado akung mahina sa pag da-drawing.
"That's good." Nginitian ko siya.
"How about you? Anong course mo?"
"Nursing. I love helping people from thier sickness," masaya kong saad.
Mabuti na rin 'yun. Kahit magkaiba kami ng course dalawa at least nagkikita pa rin kami sa iisang school. Not bad.
Nag-usap pa kami nang ilang oras ni Abram bago natapos. Tinawagan ko rin ang mga friends ko sa gusto kong kurso para ma-inform silang lahat. Pati sa school kung saan ako mag-aaral. Ang saya nilang lahat ng malamang same school kaming lahat sa college.
"Marami raw gwapo sa La Salle," tawa ni Margie. One of my closest friend.
"Kuntento na ako kay, Abram," ngiting-ngiti ko sa screen. I saw she rolled her eyes.
"Hanggang ngayon ba, siya pa rin, Ms.Mejares? I am sure magbabago ang taste mo sa lalaki kapag nag-college ka na."
"Nah, uh! Si Abram lang talaga. Pakiramdam ko walang makakapantay sa kanya." I laughed so hard. “He is kind and perfect.”
Nag-try akong maghanap ng makakapantay kay Abram. Mga suitors ko noon kaso hindi talaga pasok sa taste ko ang mga lalaki. Yes, they are all riches and handsome but I was stuck to Abram. Siya lang talaga ang makapagparamdam sa akin ng kilig sa tuwing nginingitian niya ako.
We always talk. I don't know, if he already know that I have a feelings towards him. He is so sweet. Kaya nga na fall ako ng wala sa oras. He is also a gentleman. And I like those gestures of him.
"You know what? Umamin ka na lang kay Abram na gusto mo siya. Mukha namang may gusto rin 'yon sa'yo." Si Joyce naman ngayon. Isa din sa circle of friends ko.
"I don't know. Baka mapapatay ako ni kuya ‘pag nagka-boyfriend ako ulit, tapos 'di niya nanaman magustohan. You know kuya, Andrew. He is so strict."
Sabay na natawa ang lahat. I have passed many boyfriends noong high school pa lang ako. Pero one week or one month lang hiwalay na agad dahil ayaw ni kuya sa kanila. Hindi ko naman dini-dibdib iyung pagka-strict niya. Isang sabi niya lang na hiwalayan ko. Then go. Actually hindi naman ako na fa-fall sa mga exes ko dati. Past time lang 'yon bilang teenager at bilang high school girl.
"Sus! Papakasalan ko 'yang kuya Andrew, mo, e! Gwapo pa naman 'yan, " hagikik ni Natasha.
Puno ng saya ang gabing 'yun dahil nakaka-usap ko kahit papaano iyong mga friends ko. Nasa kanya-kanyang vacation sila. Samantalang nasa bahay lang ako. Wala kasing time sila Mommy at Daddy na mag-out of town this summer dahil sa trabaho. Ngayon lang ito nangyari sa buong summer ko, naka kulong lang ako. Ayaw ko namang lumabas mag-isa na walang kasama.
Nagdaan ang mga araw na ganon ang naging routine ko, kinakausap ko silang lahat through video call. Nakipag kulitan 'tsaka sinasabi ang mga iniisip namin tungkol sa pagco-college. They even ask me, what gift that I like.
"Hindi ko na kailangan ng gift. Ano ba kayo. Maka-uwi lang kayong tatlo, that's fine with me," ngiti ko sa kanila sa screen.
"Oh. Come on girl. What about bracelate? Dadalhan kita kapag nakauwi na ako."
"Puro bracelet binibigay mo kay, Jessy. Maiba naman, Joyce." Si Margie naman iyon. Sabay kaming nagtatawanan.
"Alright. Ako na ang bahala," sabi nito.
Pinakatitigan ko na lang sila. Nakakainggit dahil nasa labas sila ng bansa. Nakakamiss ang snow at ang magandang tanawin ngayon doon. Wala tuloy akong ma-ipost sa social media na bagong litrato this summer.
"Mag out of town kami ng mommy niyo. Three weeks kami ro’n. This is a business purposes. Bantayan niyo ang bahay," striktong pagkasabi ni Daddy.
We're eating our breakfast. Umaga at gabi lang talaga kami nagtipon-tipon dahil nagta-trabaho silang dalawa. That's fine with me, para sa amin lang naman 'yang tinatarabaho nila. ‘Pag may time sila, bumabawi naman para asikasukan kami ni kuya Andrew.
"Saan kayo dad? Pwede bang sumama? Nakakabagot na kasi sa bahay." I pout. Walang gana kong pinaglalaruan ang pagkain.
"That's business trip, Jess. Hindi ka namin maasikaso pagsasama ka sa amin. We're too busy. Sunod-sunod 'yung clients namin. Don't worry kapag nakabalik kami ng daddy mo. Pupunta tayong ibang bansa," saad ni mommy.
"Three weeks lang kayo, Mom?"
Napatingin ako kay kuya nang tinanong niya 'yun. Alam ko ang tumatakbo sa isip niya. Alam ko ang kabulastogan ng isipan niya. Magtatawag nanaman 'yan ng mga tropa niya para rito magkasiyahan. I hate that. Pasalamat siya mahal ko siya kaya hindi ko magawang magsumbong kina-Daddy at Mommy.
"Three weeks, iho. After that we can have our own vacation," sabi ni daddy, pampalubag loob sa amin.
Nakita ko ang pagngiwi ni kuya. Masyado pa yatang maiksi ang tthreeweeks para sa kagaya niya, para sa kanyang kaligayahan. Tss. Kahit kailan talaga. As if naman I will let him enjoy and wreck our house. No way! Pipigilan ko siya. The last time na nasa out of town sina Mommy. Halos mabingi ako sa ingay ng bahay namin.
Hindi ako lumalabas kapag nag-iimbita siya ng mga tropa niya dahil ayaw kong makisawsaw. I felt like, it's disgusting. Naiisip ko pa lang na mahahalo ako sa puro matured na tao na walang alam kundi magbisyo at uminom ng alak. No! I don't like that kind of things, sucks!
I am a badass in my school way back, pero wala akong bisyo maski isa. I hate alcohols, clubs. Also boys. Ayaw kong pinapaligiran ako ng mga ganoong tao, lalo na ang mabisyo. Matatanda is such a disgusting words para makihalo sa kanila. I am contented with my bitches sweet cycle of friends.
"Can you make it one week, Mom," angal ko. Nakita ko sa gilid ng mata ang pagsulyap ni kuya Andrew sa akin. Tutol sa gusto ko. Kapag ako na ang mag-request, susundin 'yan ng magulang namin. They love me. And they'd spoil me from everything that I want.
"That's hard, iha. Three weeks is enough. You should behave. I will ask manang Cecilia to report what happen here."
Oh! Mukhang ayaw nga nilang papigil sa araw nang uwian nila.
Manang Cecelia is our only house maid in the house. Medyo may katandaan na ito, at siya rin ang tumatayong ina-inahan ko kapag wala sila Mommy at Daddy sa bahay.
"That's good. Pwede nga gawing one month, Mom. Enjoy your selves, in that business trip." Malaking ngisi ni kuya.
Sumulyap siya sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin. This man! Akala niya naman papayag ako. Isusumbong ko na talaga siya kay Mommy kapag gagawa nanaman siya ng kalokohan sa bahay. Party in the house with his friends is a mess. Nakakairita!
Pagka-alis nina Mommy at Daddy. Hinatid namin sila ni kuya sa airport. Nagpaalam kami sa kanila bago kami bumalik sa bahay.
"Ayaw kong nagda-dala ka ng kaibigan mo sa bahay, kuya. Huwag mong subukan. Kung ayaw mong isusumbong kita kina Mommy," saad ko sa kalagitnaan ng byahe. Pauwi na kami, at nagtatalo kami sa mga magaganap sa bahay, ngayong naka-alis na ang parents namin.
"Too late, sis. Pupunta sila bukas sa bahay."
"What the!" Hindi makapaniwala kong sigaw.
Tinawanan niya lang ako. Tuwang-tuwa sa naging reaksiyon ko. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko para kumbinsihin ngunit mabilis ko 'yong tinampal. Tumawa pa ulit siya.
For god sake! Kakaalis pa nga lang ng parents namin tapos mag-iimbenta na agad siya ng mga kaibigan niyang matatanda. The hell! Hindi man lang pinalipas ng ilang araw bago sila magpa-party sa bahay.
"Don't worry, hindi kami magka-kalat sa bahay. Sa kwarto lang kami."
Seriously, Andrew Mejares!?
"Magkatabi tayo ng kwarto kuya. Naririnig ko ang ingay niyo sa kabila. Bakit sa bahay pa natin. Wala bang bahay 'yang mga kaibigan mo at sa bahay pa talaga magha-hasik!" pagalit kong turan. Kulang na lang magpapadyak ako sa inis.
"Malaki kasi ang bahay natin. Tsaka free lahat. Why don't you join with us. It's really fun. Magdadala ng babae 'yung----"
"Ayaw ko! Huwag mo akong isali sa kapabayaan n'yong puro matatanda! That's disgusting. Wala kayong alam kundi ganyan! Alcohol, cigarettes! Ew!" galit ko pa ring saad sabay cross arm. Naka kunot na ngayon ang noo ko. Hindi na ma-drawing sa sobrang inis.
"We're not old, Jessy. Someday ‘pag pareho na tayo ng edad. Alam mo na ang pakiramdam sa ganitong buhay. You should try something new. Don't worry babantayan kita pag sumusobra ka na sa ginagawa mo. Come on... Have some a little fun."
"Ayaw ko sabi! I will tell this to, Mom."
"Are you kidding right? I know you won't do that."
"I'm not kidding kuya, Andrew!"
Pagkauwi sa bahay pilit niya pa rin akong kinukulit na hayaan na lang siya. Dapat supportahan ko na lang siya ngunit hindi niya ako maku-kumbinsi. Nang maggabi, ilang beses siyang kumakatok sa pintuan ko para kausapin ako ngunit hindi ko talaga siya pinagbuksan. Kinausap ko si Abram tungkol sa problema ko kay kuya.
"You can't change him. Party guy talaga ang cycle ng friends ng kuya mo. Let him be, Jess, " sabi lang nito.
"Pero sa bahay namin, Abram. I don't like, our house is going to be a party place. Sucks!"
Kay Abram ko nilabas lahat ng galit ko sa kay kuya. Pinapakinggan niya naman ako at pinapaintindi sa akin ang lahat. Ngunit hindi ko talaga makuha 'yong ipinunto niya.
Kinabukasan galit pa rin ako kay kuya sa hapag. Kaming dalawa lang ang nandito, kumakain. Pilit niya akong kinakausap at pinapaintindi sa akin. Ngunit tahimik lang ako sa buong araw na iyon. Wala sa mood, at mas lalo lang na bwesit.
"Jess, I am so sorry. I'll promise last na itong pag-iimbeta ko sa kanila. Hindi ko naman kayang bawiin 'yung sinabi ko sa kanila na dito muna kami sa bahay. They are filthy rich. Nakakabawas ng pagka-lalaki 'yun."
Kinunotan ko lang siya ng noo. Anong ipinunto niya? Sa dahil mayayaman ang kaibigan niya. Nahihiya siyang tumanggi sa gustong mangyari ng mga ito? Siya ang nagyaya sa kanila kaya naman may karapatan siyang i-cancel 'yung pagpa-party nila sa bahay.
Nang matapos ako sa pagkain. Nilagay ko sa sink ang pinagkainan. Walang narinig si kuya sa pagsang-ayon ko. I'll already decline. Pag sinabi kung ayaw ko, ayaw ko talaga. Hindi na magbabago.
Nang magalas-sais nakarinig agad ako ng busina ng sasakyan sa labas ng gate. Hindi ko na lang sinilip iyon dahil alam kong mga tropa na ni kuya Andrew ang paparating. Naririnig ko na ang maingay na tugtugin sa kwarto ni kuya kaya naman halos itapon ko ang mga unan sa sobrang galit.
Hindi talaga siya nakikinig sa akin. Akala niya hindi ko siya i-susumbong kay Mommy. Makikita niya talaga. He is very spoiled man, siya ang mas nakakatanda sa ‘ming dalawa, dapat siya ang mas nakaka-intindi.
Mabilis kong tinawagan sa skype si Mommy. Sinagot niya naman agad ito. Naka bathrobe siya nang masilayan ko sa camera.
"Why you called, iha? You need something?" Nagsusuklay siya ng kanyang buhok.
"Where's daddy?"
"Nasa banyo naliligo. Why?"
Huminga ako nang malalim. Pinaghandaan ang sasabihin. Kinakabahan ako bigla. Sasabihin ko lang naman na naghe-held ng party si kuya Andrew sa bahay pero hirap ko 'yung sabihin sa kanya.
Inaalala ko rin kasi ang kapakanan ni kuya ‘pag nagsumbong ako ngayon. Maging grounded si kuya Andrew, hindi siya bibigyan ng pera. And worst ipapadala pa ito sa ibang bansa para roon mag-aral. I know my mom and dad. Ayaw nilang tino-tolerate ang ganitong gawain ni kuya.
Nagawa na nila iyan noong nasa high school si kuya noon at nalamang may nakaaway na classmates. Tapos sinumbong din ng kaklase niya na nagsisigarilyo raw. I don't know, if that's true. Pero galit na galit si Mommy noon. Kaya pinadala si kuya sa States. Doon sa kamag-anak namin at doon pinapa-aral ng high school at senior high. Pagbalik niya rito, first year college na siya.
Natatakot akong mawalay kaming dalawa. Yes, we argued, pero para na kaming twin brother dalawa. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin dahil lang sa ganito.
"I heard a loud music ? Sa kwarto ba iyan ng kuya mo?"
Nanlamig agad ako.