Malakas ang hiyawan sa loob ng arena ngunit wala roon ang aking atensyon, pinapakalma ko ang puso na malakas ang kabog ngayon. “Who do you think will hold the title of being the Best Hunter?” muli ay tanong ng headmaster. May ngiti sa labi niya habang nagsasalita, kabaliktaran sa ekspresyong ipinapakita ng mga Imperiali na nasa kaniyang likuran. Pare-pareho silang seryoso habang nagmamasid sa paligid, ngunit ang atensyon ko ay napako sa nag-iisang lalaki na prenteng nakaupo sa gitna. Andrius looks so perfect with his firm arms crossed to his body. Sa tabi naman niya ay nakapwesto si Accalia na nakakawit ang kamay sa kaniyang braso. At mula nang mapansin ko iyon ay hindi ko na rin maalis ang tingin sa kanilang halos magkadikit na katawan. I think I am really becoming a bad cre