Mayroong dalawang oras pang natitira bago matapos ang Hunter’s Game at hindi ko na halos matingnan kung ilang puntos na ang nakukuha ko. Nanlulumo lang ako sa tuwing titingnan ito. Nakaupo ako sa ilalim ng isang puno at dito piniling magpahinga dahil kanina pa ako ginugulo ng iba’t-ibang nilalang. Sa bawat paghinto ko ay may panibago akong kinakaharap. Minuto lang yata ang pagitan at mayroon ulit bago na bubungad sa harapan ko. Tulad na lang ngayon, bago ko pa lang ipinipikit ang mata ay nakaramdam na naman ako ng panibagong presensya mula sa mga nilalang na may bahid. Akala ko ay makakapagpahinga na ako ng matiwasay hanggang sa maubos ang oras ngunit hindi pala. Hindi ako hahayaan ng mga ito na manahimik na lang sa isang tabi. Hindi ko na rin tinangka pang kumain, dahil kahit pahinga