Chapter 3: Unfortunate Meeting

1028 Words
Third Person's POV "Hi! Miss Babi. Omg! It's a pleasure to meet you in person!" Excited na sambit ng dalaga pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina ni Babi. Napalingon naman sa kaniya si Babi at hindi napigilan ang mapangiti ng malawak. Naglakad ito palapit sa kaniya upang salubungin siya. "Hi. Ms. Cira right?" Sunod-sunod na tumango ang dalaga, sa sobrang pagkamangha ay hindi niya na nagawang sumagot pa kung hindi ay napatango na lamang habang nakatitig sa kaniyang idolo. Dati-rati lamang ay pangarap niyang makita ang dalaga ngayon dahil si Babi ang isa sa pinakasikat na fashion designer sa buong Greece, USA at maging dito sa Pilipinas. Every craft she made is very unique and wonderful. She's the most paid fashion designer. She's very famous, her works known for being the most beautiful and unique. At kahit na lumagay ito sa buhay may asawa ay marami pa rin ang humahanga rito kung kaya't isang suntok sa buwan ang pagkakataon na ito. Ang makaharap ang idolo niya. "It's a pleasure to meet you too. Ms. Cira. I'm glad that you accepted my invitation." "Omg... I-it's okay. Actually, It's my dream to finally meet you in person." Kinakabahan at wala sa sariling nasambit ng dalaga dahilan para mapangiti ng malawak ang dalaga. "Silly you. Well. I should be glad then?" "Omg. Can I hug you po?" "Yes. Of course--" Hindi niya na naituloy pa ang sasabihin ng bigla ay kinabig siya ng dalaga at saka niyakap ng mahigpit, bahagyang nagulat si Babi ngunit napangiti na lamang siya. Ramdam niya kase na talagang hinahangaan siya ng dalaga. Hanggang sa humiwalay ang dalaga ay halos maiyak ito. "Omg... Omg... Omg... I can't believe it! I just hugged you!" "Yeah. You just hugged me." "Thank you po!" Napatawa na lamang muli si Babi, this girl is very cute. Para siyang nakakita ng multo sa paraan ng paninitig ng dalaga sa kaniya. "Can we sit?" "Oh. Yes, yes, yes." Sunod-sunod pa rin nitong sambit halos mabulol siya sa sobrang paghanga hindi niya kase inaasahan na talagang makakaharap niya ang kaniyang iniidolo sa larangan ng fashion. "So. I assumed that you're a fresh graduate, am I wrong?" "Yeah. I just graduated on Greece and if i'm not mistaken, doon din po kayo grumaduate." "New Era University?" "Yes." "Well, yeah. I graduated there too. So, that's why you know me." "You're very famous, ms. Babi." "Mrs. I am married now." "Mrs. Babi." "So, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I Invited you to work with us. Specially, to my friend. Mapili kase masiyado 'yon. Hindi ko na nga mabilang ngayong taon kung pang-ilang beses niya na ba nagpalit ng partner. He's very sensitive." "He?" "Yes. He's my friend. Well, I can't say if he's straight man or you know what I mean." "..." "We're having a huge project for the next year, so we're really recruiting amateur who wants to work with us and luckily, you're one of that." "I am so thankful." "Don't be, yet. Hindi ko pa kase sure kung makakatagal ka sa kaniya. He's very sensitive dude--". Nasa ganoong pag-uusap sila ng bigla ay biglang bumukas ang office at doon ay walang salita na pumasok ang isang makisig na binata. Sandaling napatulala si Cira, para sa kaniya ang lakas kase ng dating nitong lalaki na ito. Hindi niya maipaliwanag ang nadarama, malaki ang pangangatawan nito ngunit hindi halata dahil sa malaki ang suot nitong suit and tie. Sinundan niya ito ng tingin, sandali siyang napatitig sa mukha nitong kunot na kunot na lalong nakadagdag sa pagiging attractive nito sa mata ng dalaga. Tahimik lang itong lumapit sa kanila hanggang sa maupo ito sa harapan nila, halos lumuwa ang mata ng dalaga ng bigla niyang makita kung paano ito umupo. Napanganga siya, hindi siya makapaniwala na ang taong hinangaan niya sa kauna-unahang pagkakataon ay isa palang bakla. Nakadekwatro itong umupo sa harapan nila. "So, who's she Babi?" Maarte pang saad nito, dahilan para gumuho ang lahat ng pagpantasya niya sa binata. 'putik naman! Ngayon ka na nga lang humanga sa lalaki tapos bakla pa. Lord, ano po bang kamalasan ang pinagkaloob niyo sa akin ngayon?' "Ms. Cira. This is Vix, the friend that I am talking about." Nabalik sa wisyo ang dalaga ngunit hindi mapigilan na manlumo sa nakumpirma niya. Sandali siyang napatitig sa binata, ngunit sa pagkakataong ito ay pakiramdam niya ay hindi ito ang una nilang pagkikita. Napataas ang kilay niya at sinuring mabuti ang kaniyang mukha. 'I'm sure I've seen him before.' Dahil sa paraan ng pagkakatitig niya ay napa-angat ng kusa ang isang kilay ni Vix. 'What the hell is she staring at?' At sa pagkakatitig niya rito ay naramdaman niya rin na hindi ito ang una nilang pagkikita. Habang si Babi naman ay natigilan at natahimik sa paraan ng pagtititigan ng dalawang tao na nasa harapan nila. "Wait nga! Magkakilala ba kayo?" Nalilitong tanong ni Babi kasabay niyon ang sabay na panlalaki ng mata nilang pareho at parehong napatayo at napaduro sa isa't isa. "Ikaw!" "Ikaw?!" Magkasabay nitong sambit. Dahilan para magitla si Babi sa sobrang lakas ng pagkakasigaw nila. "Anong ginagawa mo rito?!" "At bakit ka narito?!" Magkasabay muli nitong tanong dahilan para mas lalong maguluhan si Babi. "Wait, so magkakilala nga kayo?" "Of course not!" "At paano ko naman makakalimutan ang pesteng iyan?! Siya lang naman ang bumunggo sa akin ilang years na ang nakakalipas!" "At paano ko rin makakalimutan ang mapanget mong mukha at boses? Sa sobrang panget ay muntik ng masira ang eardrums ko." "What did you just say?!" Bago pa man magpang-abot ang dalawa ay kaagad na pumagitna si Babi. "Wait, wait, wait! I'm really confused right now. But for now, puwede nang kumalma muna kayo?" Masama muna silang nagtitigan saka sabay na napairap sa kawalan kasabay ng pag-upo nito nakadekwatro. "Hmmmmp!" "Tssskk!" Sambit ng dalawa sabay iwan ng tingin sa isa't isa. Nalilito man ay nagawa pa rin ni Babi na ngumisi. Mukhang may panibagong pusa si Vix ngayon. Nag-asawa na kase si Alexa, ang isa pa nilang kaibigan. Aso't pusa sila palagi ngunit ngayon na nag asawa na ito ay tiyak na hindi na sila puwedeng bumalik sa dati. To be continued.... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD