Chapter 2: Vix

1031 Words
Third Person's POV "Sir Vix!" "Sir! Sir! Sir!" "Mr. Vix!" Halos marindi sa sobrang ingay ang binata, malalim siyang bumuntong-hininga at saka napatitig sa mga empleyado niya na ngayon ay nakapila mula sa unahan ng kaniyang table. Mahigit isang linggo rin kase siyang wala sa opisina, hindi siya pumasok gawa ng kinasal ang bestfriend niyang babaita na si Alexa. Malalim siyang muling napahinga, he's sad knowing that his bestfriends are now happily married. E siya kaya? Hanggang ngayon na gurang siya ay nalilito pa rin siya sa sariling kasarian. Simula naman noong mag-aral siya ay lapitin na talaga siya ng mga babae dahil sa pagiging tahimik niya, siguro ay nasanay siyang puro babae ang kasama kaya pati pag-uugali ng mga ito ay na-adapt niya. Nabalik siya sa pag-iisip ng bigla ay mas lalong lumakas ang ingay ng kaniyang mga empleyado. "Silence!" Mahinang sambit niya at kasabay niyon ang unti-unting paghupa ng kanilang ingay at bangayan. They know him better, sa ilang taon na naging boss nila ang binata ay kilala siya ng mga ito. Lalo na kapag ito ay kalmado at nakangiti. Mababatid mo talagang may kakaiba sa kaniyang mga ngiti. Dahan-dahan itong tumahimik, ayaw nilang makita na galit ang kanilang boss. Because the last time they saw him mad? Everyone is fired. Kaya't hangga't kalmado pa ang binata ay marapat lamang na tumahimik sila. "Mabuti naman at nakukuha kayo sa isang salita." Sarkastikong sambit nito, he's very strict when it comes to his employees at sa trabaho? You should act professional at kapag hindi iyon nakita ng binata, he's firing everyone. "Just leave your goddamn concern in my table and if it's needed to talk to me, wait for my call. I'll call each of you. So, get the hell out of my office. You're ruining my mood! Plus, you're making it all dirty. so. get. the. f**k. out. of. here. now!" Wala pang tatlong segundo na mabilis umalis ang lahat ng kaniyang empleyado, at saktong pagkaalis nila ay ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ng binata ng makita niya ang bawat footprints nito. "Ariana! Clean this f*****g mess! now!" Malakas niyang sigaw at kasabay niyon ang dali-daling pagpasok ng isang babae sa kaniyang opisina. Nanlilisik ang mga mata ng kaniyang boss kung kaya't nanginginig ang buong kalamnan niya sa takot. Madali niyang nilisan ang dumi ng mga ito, tiles na puti kase ang nasa opisina niya kaya't kitang-kita ang mga dumi. And yes, allergic sa makalat, madumi, masikip, mainit, at magulo ang kaniyang boss. He always wanted a neat and clean room. Kaunting kalat ay naiinis ito, at talaga namang mabilis uminit ang ulo. Nasa ganoong pag-iisip siya ng bigla ay mag-ring ang cellphone niya, Inis man ay sinilip pa rin niya kung sino ang tumatawag. At ganoon na lamang ang pagbabago ng mood niya ng makita niya kung sino ang tumatawag. Mula sa pagkakakunot ng noo at pagiging bugnot ay malawak siyang napangiti kasabay ng pag-aliwalas ng kaniyang mukha. Saka walang pagdadalawang-isip na sinagot ang tawag mula sa kabilang linya. "Babi!" "Vix." "Napatawag ka?" "Well, I have a solution for you. Nakahanap na ako ng kapalit na magiging partner mo for our new project." "Really?" "Yeah, she's from Greece too. Luckily, I accidentally met her." "Well, I must meet her." "All right, I'll tell her to come now, come at my office now." "Wait, you're here in office?" "Yeah, alam mo naman bagong kasal si Alexa, hindi niya magawa yung trabaho niya. So, instead of her, ako na muna since ang trabaho niya lang naman sa akin ay magpapirma. I can do that naman, besides my babies are not a baby anymore." "All right, just give me a twenty minutes. I just want to make sure na malinis at maayos ang opisina ko. Gosh! Babi, isang linggo lang naman tayong nawala! Tapos eww! My office is a mess now!" "Pfft! Huwag kang oa, Vix. If I didn't know you better, maniniwala ako sa sinasabi mo. Just relax, nariyan naman ang secretary mo para maglinis." "Ah, basta! Nakakainit ng ulo, kaaga-aga kalat at dumi ang bubungad sa akin! Nakakasira ng araw." Narinig niya lamang ang pagtawa ng kaibigan sa kabilang linya. "O sige na, pfft. Just come at my office. Pronto, she's on her way na daw." "All right." Matapos ng pag-uusap ay inisa-isang i-check ng binata ang bawat sulok at sinalat ang mesa at kung ano-anong gamit. Napatango siya ng mabagal ng makita niyang pulido ang pagkakalinis ng mga iyon. Nilingon niya ang secretary na kasalukuyang nagma-mop sa floor. "Very good, Ariana! You know how much I hate mess and paki-ayos ng suot mo, masyadong maiksi, hindi naman kulang ang sinusuweldo ko sa'yo pero bakit parang kinulang sa tela ang skirt mo? Hindi mo kinaganda iyan. Go and change your clothes. again." "P-pero Sir--" "No buts, at saka tumingin ka nga sa salamin. Bakit ba ang kapal-kapal ng make up mo? Maganda ka pag natural lang. Liptint lang okay na." Napayuko naman ang kaniyang sekretarya. Ganito ang scene nila palagi sa opisina. Sesermunan siya palagi ng kaniyang boss. baguhan pa lamang siya, dahil hindi nagtatagal ang mga tao kay Vix dahil sa pagiging strikto at maarte nito. "Aalis ako at dapat pagbalik ko, malinis na ang bawat sulok ng opisina ko, pati mga table ko. Pakiayos, ayoko ng ganiyan 'yan kagulo and pakisama na rin ng table mo, look oh? It's a mess too. Nawala lang ako ng isang linggo ganito na kadumi ang office ko. my God!" "Y-yes sir!" "All right! See you later then." Dahan-dahan siyang tumalikod at lumabas ng kaniyang opisina, saktong pagkalabas niya ay siyang pagtahimik ng bawat isa. bago kase makapasok sa kaniyang office, maraming table na hilera na madadaanan and there's a lot of employees there. Mga tao niya. Everyone knows him for being strict, ayaw nito ang maingay at madumi. Mabuti na lamang at tahimik ang mga ito kung kaya't tahimik din na nakadaan sa gitna ang kanilang boss. Pagkaalis ng kanilang boss ay saka lamang napahinga ng maluwag ang bawat isa. para sa kanila, isang witch ang kanilang boss dahil sa sobrang masungit nito. Everyone's thinking that he's a gay. Bakla nga ba talaga siya? To be Continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD