ANDROMEDA Huminga ako ng malalim. Naramdaman kong nanunuot na ang lamig sa kalamnan ko. Ngayon, pinagsisisihan ko ng sinuot ko 'tong long dress na 'to. Hays. "Nilalamig ka na ba?" hinubad niya ang puting coat niya at isinampay sa balikat ko. "S-s-salamat p-po..." ngumiti siya. "Ah gusto mo bang wag na lang dito tayo sa rooftop mag-usap? Baka kasi hindi ka komportable. S-saan mo gusto...?" "Okay lang po. Medyo... komportable na ko..." Nakakahiya naman kasi. Siya ang namili ng lugar kung saan kami mag-uusap tapos dahil lang nilalamig ako kaya lilipat kami. "Saan mo gustong magsimula ako?" "Hindi ko rin po alam..." Kasama ko ngayon ang Prime. Nasa rooftop kami. Nang sabihin niyang anak niya ako, inalalayan ako ni Me