“Now tell me…may problema ka ba? Bakit uminom kang mag-isa?” masuyong tanong sa kanya ni Kent. ‘Nasasaktan ako Kent..’ gusto niyang sabihin dito ngunit wala siyang lakas ng loob. “Kent….” “Yes sweetheart? Ano yon…sabihin mo sakin.” “T-totoo bang….totoo bang….” Hindi niya maituloy ang sasabihin. Kaya ba niyang itanong dito ang gumugulo sa isipan niya? Paano kung sabihin nitong totoo ngang may nabuntis ito? Paano kung sabihin nitong aalis na ito upang sumama sa babaeng nabuntis nito at bumuo ng sariling pamilya kasama iyon? Paano na siya? Paano na ang pagmamahal niya para rito? Kakayanin kaya niyang mawala ito sa buhay niya? Ang dami niyang tanong sa sarili at naguguluhan siya. Sa puntong iyon ay may tama pa siya ng alak dahil sa pag-inom niya. Gusto niyang mawala ang sakit pero n