“Miss, do you want me to take you home?” anang isang lalaki kay Claire. Naisipan niyang gumala kanina at ngayong gabi ay pumunta sa bar para magpalipas-oras. Sayang at busy ang mga kaibigan niya kaya mag-isa lang siya ngayon. But it’s ok, keri naman niya. Ramdam niyang medyo nahihilo na siya dahil sa nainom kaya balak niyang magpahinga saglit bago umuwi. Pero heto nga at may nangungulit sa kanya. “It’s ok, I can manage.” Kanina pa niya ito tinatarayan pero talagang makulit ito. “But you look drunk. Let me drive you home.” Ngumiti pa ito pero obviously ay may binabalak itong masama sa kanya kaya di na lang niya ito pinansin. “Sir, papunta na po ang kasama niya para sunduin siya.” Anang isang lalaki na tingin niya ay nagtatrabaho sa bar na iyon dahil sa suot nitong uniform. “Can’t you