“Claire?” tila hindi makapaniwalang bulalas ni Kent nang maabutan siya nito sa sala nang gabing iyon. “Kent! Hindi ako nakapagsabing—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla siya nitong sinunggaban ng mahigpit na yakap. Pakiramdam niya ay naiipit na ang katawan niya sa higpit ng pagkakayakap sa kanya ni Kent. “ahm…Kent…” umubo siya ng peke para luwagan nito ang pagkakayakap sa kanya. Nang kumalas ito at humarap sa kanya ay kitang-kita niya ang labis na saya sa mga mata nito. Sobra ba talaga siyang na-miss ni Kent? Dahil ba wala itong ibang kapatid at tanging siya lang ang nakasama nitong lumaki? “Namiss mo ba ako dahil wala kang kapatid na kukulitin?” gusto niyang mapangiwi sa tanong niya. Hindi niya rin alam kung bakit yon ang lumabas sa bibig niya. Siguro upang mapanat