Its been more than 2 months since naaksidente si Claire pero hindi parin siya nakakaalala. At bigla nalang, napagdesisyunan ni Doña Faustina na isama siya nito sa ibang bansa para raw makapagrelax siya. Ni hindi ito sumangguni sa kanya at basta nalang nagdesisyon. Nalaman nalang niya na nakaready na ang documents nila at flight na nila kinabukasan. Hindi niya maunawaan pero may kalungkutan sa puso niya nang malaman ang desisyon ng Doña. At hindi niya maiwasang isipin si Kent. Hindi niya maipaliwanag ang sariling damdaming pero nalulungkot siya sa kaalamang magkakalayo sila ni Kent. Ganoon ba sila ka-close noon kaya hindi pa man sila umaalis ay parang namimiss na niya ito? Lately ay lalong naging maalalahanin at sweet sa kanya si Kent. Subalit tila hindi iyon nagugustuhan ni Doña Fau