Chapter 15

1018 Words
"Mga Lorcan!' Sabi ng Kasama niya. "Hindi kayo makakaalis na Kasama ang babae." Sabi ng nasa unahan nila. Nakita ko na kumunot ang noo ng lalake na Ngayoy nasa harapan ko na. "Padaanin niyo kami kung ayaw niyong maparusahan." Sabi nito sa nakaitim na lalake. "At sino ka para utusan kami. Hindi kami natatakot Sayo Isa ka lamang transcendent night." Sabi nito sa lalake na nasa harap ko. "Kunin niyo ang babae." Sabi ng nakaitim sa mga tauhan niya. Pero bago pa sila makarating sa amin. Nabalutan ng nyebe ang paligid. Kasabay ng malakas na hangin. Naglabas ng apoy ang mga ito natunaw ang nyebe pero bago pa sila makarating sa amin tumitilapon sila. Nagulat ako ng naging usok ang mga ito. "Magiingat kayo." Sabi ng lalake sabay takip sa ilong niya. Sabay sabay kami nila Pekto naglabas ng Panyo sabay takip sa ilong namin. Nagulat ako ng mabalitaan kami ng kulay puting Usok. "Magmadali kayo." Sabi ng lalake kaya nagmadali kami. Nakasunod kami sa kanya. Hinila na ako nila Amara kasi hindi ako kumikilos. Gusto kong ubusin ang mga yun. Saktong nakakalabas kami sa lugar narinig ko na naman ang nakakakilabot na hiyaw na yun. Minsan ko ng narinig yun Nung nasa libingan ako ng mga Monghe. "Bakit niyo ba ako pinigilan uubusin ko nga sila " Inis na Sabi ko. "Hindi mo sila kakayanin." Sabi ng lalake. Napatingin ako sa kanya. "Sino ka ba?" Tanong ko sa kanya. Pero Hindi siya umimik. Magtatanong pa sana ako. Ng kalabitin ako ni Amara at inguso ang nasa gilid namin. Nakita ko ang isang malapalasyo na bahay. May malaking gate ito na nababantayan ng mga kawal. Maraming tao sa harap nito. "Yan na yata ang Academy." Sabi ni Pekto. Kaya naglakad na kami papunta dito. "eto ba ang Academy ng mga Ace?" Tanong ni Pekto sa Isang lalake. Tumango ito. "Nais niyo din bang makapasok?" Tanong nito sa amin. Tumango si Pekto. Tiningnan nito kami. "Mamaya pa daw tatangap ng kalahok. Maghintay lang daw " Sabi nito kaya naupo muna kami sa sulok. Medyo matagal din kaming naghintay. Maya maya bumukas na ang malaking gate. May lumabas na Tatlong lalake. "Lahat ng nais na pumasok sa loob. Itapat niyo ang kanang kamay niyo dito. Kapag nagkulay Asul ang ilaw qualified kayo pero kapag pula Ang ilaw Hindi kayo pumasa." Sabi ng may idad na lalake. Pinapila naman kami ng Isa. Nasa unahan ko sila Pekto nasa likuran ko yung lalake na kasama namin pati ang mga kasama niya. Isa Isa kaming naglapat ng kamay namin sa parang bato na hawak ng lalake na Isa. Lumalabas ang itsura namin sa monitor na nasa taas ng gate kapag nakakapasa nakalagay din kapag hindi. Napapatingin sa akin sila Pekto. Tumango lang ako sa kanila. Pagdating kay Pekto napasigaw ito ng umilaw ng kulay light blue ang bato. Ganon din sila Berto at Amara. Nagapiran ang tatlo. Saka nila ako tiningnan. Huminga ako ng malalim bago ko inilapat ang kamay ko. Umilaw agad ang bato. Sumunod Ang lalake na nasa likod ko ganun din siya. Pagdating sa dalawang kasama niya nagblink blink ang ilaw pero maya maya naging kulay light blue ang bato. Kaya nagtatalon ang mga ito. Natawa ako. Nagapiran ang mga ito Saka sila Pekto. Sabay sabay na kaming pumasok sa loob. May binigay sa amin na parehaba na bato na may Tali na blue sa dulo ang Isang lalake. yun ang pinapakita namin sa kawal para papasukin kami. Nakita namin na Halos kalahati lang kaming nakapasok sa loob. "Alam namin na nahirapan kayo bago kayo nakarating dito. Kaya naman pinaghanda namin kayo ng makakain. Maari na kayong kumain at magpahinga. May number ang bato na hawak niyo. Yan ang number ng silid na tutuluyan niyo. Habang nandito kayo sa loob ng Academy. Good luck." Sabi ng matandang Babae. Nakatitig siya sa akin. Hindi ko siya pinansin tiningnan ko ang number na nasa bato ko. "Anong number mo Vea?" Tanong ni Amara. Tuwang tuwa sila dahil magkakadikit lang ang silid namin magkasama kami ni Amara. Sumabay kami sa iba ara kumain. Tuwang tuwa ang mga kasama ko kasi ang daming pagkain. "Ang sarap pala dito sa loob Vea." Sabi ni Pekto. Ngumiti lang ako sa kanya. Napatingin ako sa nasa harap ko. Tahimik na kumakain ng prutas ang lalake na kasama namin. "Bakit hindi ka kumuha ng pagkain mabubusog ka ba diyan sa prutas?" Sabi ko dito. Napatingin siya sa akin. "Ayos na ako dito." Sabi niya sa akin napatango na lang ako. "Ganyang talaga si Azreil." Sabi ng Kasama niya. Hindi na ako umimik. "Azreil pala ang Pangalan niya." Bulong ko. Ng matapos kaming kumain pumasok na kami sa mga silid namin dala dalawa sa bawat silid. Si Pekto at Berto ang magkasama. Yung dalawang kasama ni Azreil ang magkasama tanging siya lang ang naiba. Pero kadikit din namin ang silid niya. "Grabee Ang lakas ng Kasama nating lalake no Vea. Biruin mo siya lang ang humarap sa mga kalaban natin dun sa huling lugar na pinanggalingan natin. Ni Hindi man lang siya kumikilos tingin niya lang." Sabi ni Amara na hindi makapaniwala. Naalala ko din yun. Humanga din ako dun. "Alam mo Vea Hindi ko akalain na papasa tayo dito. Iniisip ko kanina baka malalakas ang kapangyarihan ang hinahanap nila. Pero ng umilaw Kay Pekto ang bato at kulay blue ito. Ibig sabihin hindi kapangyarihan ang hinahanap nila kasi wala naman tayo nun." Sabi ni Amara. "Sa totoo lang kanina pa gumugulo sa isipan ko yun. Kung papano kami nakapasok dito. Samantalang Wala naman kaming mga powers kagaya nung Azreil. Muntik pa ngang Hindi makapasa ang mga kasama niya. Kaya nagtataka ako. Hindi kaya Yung mga sandata na nasa katawan namin ang nagdala sa amin. Sabi nga ng mga nakalaban namin sa mga Transcendent daw yun. Saka ang tawag nila kay Azreil Transcendent. Ibig sabihin malakas talaga Ang mga transcendent. Dahil malakas si Azreil. Kung siya nga tumakas sa mga nakaitim na lalake ako pa kaya. Kailngan Kong maging malakas kagaya niya para makapaghiganti ako sa pagkamatay ng ama ko.' Bulong ko sa isip ko. Hindi ako agad nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD