Kinabukasan maaga pa gising na kami. Nagasikaso na kami ng mga sarili namin. Saka kami lumabas. Nakita namin na hinihintay na kami nila Pekto sa labas. Nakita ko na kausap ni Berto Yung Kasama ni Azreil. Nakita ko na nakasandal sa ding ding si Azreil.
"Heto na pala sila." Sabi ni Pekto. Tumingin sa akin Azreil. Saka umayos ng tayo ito.
"Tara kain na muna tayo." Sabi ni Berto. Tumango ako. Pumasok kami sa silid na pinapasukan ng mga nilalang na kagaya namin. Pagpasok namin Nakita namin na maraming pagkain sa lamesa. Kumuha ako ng pingan at tray. Kumuha na kami ng pagkain. Pagdating namin sa lamesa nilapag ko sa harap ni Azreil ang Isang pingan na nasa tray ko. Alam ko kasi na prutas na naman ang kakainin niya kaya kinuha ko na siya ng pagkain. Napatingin siya sa akin.
"Kung sa lugar mo prutas ang kinakain niyo dito kailangan mong kumain para naglalakas ka hindi natin alam kung ano ang mangyayari mamaya O kung makakakain pa ba tayo ng ganito uli. Baka eto na ang huli kaya kumain kayo ng maayos." Sabi ko sa kanila. Kaya napatingin sa akin sila Pekto saka yung mga kasama niya.
"Bakit ngayon mo lang sinabi." Sabi ng mga ito saka nagsibalik uli at kumuha uli ng pagkain. Napailing na lang si Azreil sa mga ito. Naupo na ako bago pa ako kumain narinig ko na nagpasalamat siya sa akin tumango lang ako Saka nagsimula ng kumain. .
Nang matapos kaming kumain. Nagpahinga muna kami sa labas maya maya narinig namin na tinatawag kami sa bulwagan ng Academy. Kaya nagsipuntahan kami dito.
"Makinig kayo!!'
Sabi ng lalake na nasa taas ng pinaka stage.
"Nais kong ipaalam sa inyo na Hindi pa tapos ang pagsubok sa inyo. Nakapasa pa lamang kayo sa unang pagsubok. May limang pagsubok kayong lalampasan bago kayo makapasok sa Academy na ito. Sa limang pagsubok na pagdadaanan niyo doon namin malalaman ang tunay na kakayahan ninyo. Ang matitira sa inyo ang siya naming hahasain upang maging transcendent night."
Sabi ng lalake nagkaroon ng ingay ang paligid.
"Sa kanila rin kami mamimili ng mangangalaga ng mga banal na bato. Kaya mahalaga na malaman namin ang tunay niyong kakayahan. Nakapasa kayo sa unang pagsubok. Ngayon ay tutungo tayo sa pangalawang pagsubok." Sabi uli ng lalake.
"Patay Vea hindi pala tapos yun." Bulong ni Berto sa akin. Hindi ako umimik.
"Kung ganun dito ko malalaman kung swerte nga lang ba ang dahilan kung bakit kami nakapasok dito O may iba pang dahilan." Bulong ko. Napatingin ako sa lalake na nasa kaliwa ko si Azreil tahimik lang din ito. Mukhang pinakikiramdaman ang nangyayari sa paligid.
"Ano kaba nakapasa nga tayo sa unang pagsubok siguro naman maipapasa din natin ang Pangalawa." Sabi naman ni Berto. Nagsipagsangayon naman ang iba.
"May ibibigay kami sa inyo na dalawang kahoy na may Tali sa dulo na magkaiba ang kulay may makikita kayong nomero na nakasulat dito kagaya kahapo. Pero pareho ang nomero na makikita niyo dito. Isuot niyo yan at ingatan dahil sa pupuntahan niyo kailangan niyong ibigay ang Isa sa nakabantay sa pintuan ng gate na pupuntahan niyo. Dahil ihuhulog nila yun sa kahon na Ibinigay namin sa kanila. Upang maitala ang pangalan niyo sa loob. Kapag nawala niyo yan hindi kayo makakapasok sa loob. " Sabi nito. Nagkatinginan kami. Maya maya may umikot na nagbibigay ng kahoy. Pinagbibigyan kami. Number 7 ang nakalagay sa kahoy ko may Tali ito na kulay Blue at Red. Pare pareho ang kulay ng Tali namin magkaiba lang ang nomero na nakasulat. Sinuot namin ito sa mga leeg namin.
"Lahat ba nakatangap ng nomero. Siguraduhin niyo na Hindi mawawala ang nomero niyo na yan."
Sabi uli ng lalake sa stage.
"Ngayon may ipapasuot kami sa mga pulso niyo. Isa itong device na gawa ng mga tao." Sabi nito maya maya may umikot uli sinuotan kami ng parang relos. Na may pindutan na kulay blue.
"Lahat ba nakasuot na ng ganito." Sabi niya Saka pinakita ang suot na sa kanang kamay niya.
"May makikita kayo diyan na kulay blue na pindutan. Pindutin niyo yan, makikita niyo Ang location ng pupuntahan niyo.isa yang mapa. Yung may kulay pula na na umiilaw diyan kayo kailangan pumunta. Bibigyan ko kayo ng dalawang araw. Kailangan niyo makarating diyan bago mawala ang asul na liwanag sa langit pagdating ng Pangalawang araw na binigay namin sa inyong palugit. Yun lang and Good luck magkita kita na lang tayo dun." Sabi nito saka biglang na lang naglaho ito. Nagtipon kami. Ang iba sa amin biglang naglaho na.
"Sino ang nakakaalam sa inyo papunta sa inyo dito?" Tanong ko.
"Ako alam ko ang mga dadaanan natin na yan." Sabi ng Jepoy na Kasama ni Azreil.
"Oo alam namin kung saan tayo dadaan na mapapadali tayo." Sabi naman ni Biboy. Natuwa ako kaya nagsibalik na kami sa mga silid namin. Kinuha na namin ang mga bagahe namin.
Ng lumabas kami ni Amara nakita namin na naghihintay na sila sa amin.
"Tara sa lugar namin ang daan niyan." Sabi ni Jepoy. Napatingin kami sa kanya. Sumunod na kami sa kanila. Malayo layo din ang nilakad namin bago kami nakarating sa paanan ng Isang bundok.
"Kailangan natin umakyat diyan. Dahil nasa kabila ang lugar ng mga Gargoyles." Sabi ni Jepoy. Nakita ko na napakatarik ng bundok puro malalaking bato ang makikita mo sa taas. Kung Hindi ka sanay umakyat ng bundok siguradong mahihirapan ka dahil ganitong klase ng bundok ang dilikadong akyatin. Dahil konting pagkakamali mo lang sa mga bato ka dadampitin.
"Eto lang pala Yakang yaka namin tong akyatin." Sabi ni Pekto. Tama siya dahil sanay na kami sa mga ganito.
"Bakit mukhang walang dumadaan dito?' Tanong ko kay Jepoy.
"Dahil dilikado itong akyatin Lalo na ngayong madilim. Madulas kasi ang mga bato at magiingat nga pala kayo sa mga serpintina. Masyado silang makamandag marami ngayon dito kasi madilim.
Meron naman ibang daan kung gusto niyo iikot tayo. Pero marami tayong makakasalubong na kaaway at medyo malayo ang lalakbayin natin. Eto kasi ang pinaka shortcut na daan. Dilikado nga lang." Sabi ni Jepoy.
"Dilikado din naman kung iikot pa tayo Sabi mo nga marami tayong makakalaban sa mga madadaanan natin." Sabi ni Amara.
"Kaya dito na lang tayo dumaan. Kung sa mababangis na hayop lang sanay kami diyan. Lalo na sa akyatan." Sabi ni Pekto. Kaya natuwa si Jepoy.
"Kung ganun umpisahan na natin umakyat."
Sabi nito. Kaya nagumpisa na kaming umakyat ng mano mano. Nauuna sa amin sila Jepoy kasunod nila sila Pekto kasunod naman ako ni Amara nahuhulo sa amin si Azreil. Tinitingnan ko siya Kasi mahaba ang damit niya. Pero napapahang ako sa kanya kasi parang wala lang sa kanya ang pagakyat. Nasa 1/4 pa lang kami ng inaakyat ng makaramdam kami ng pagod.