Chapter 30: The Vampire Side DEAN… FOR THE FIRST time nakalabas ako ng bahay na ako lang, na walang nakakapansin sa akin. Cordelia’s barrier went off when that Quillon came inside, kaya ngayon malaya akong makalabas. At dahil sa lumabas din ng Manor si Heather hindi agad ibinalik ni Cordelia ang barrier na ginawa niya. Sinamantala ko ang lahat nang walang makapansin sa akin, na si Cordelia ay naging abala sa hindi ko alam na dahilan. At ang iba ay ganoon din, nagkanya-kanya sila ng mga gawain sa loob ng bahay at nakalimutan na nila ako. Kanina nang nakalabas ako, doon ko lang natitigan ang kabuuan ng bahay. Ang laki, kastilyo na nga talaga ang bahay ni Heather sa paningin ko. Sobrang laki na kailangan ko pa talagang tingalain sa sobrang taas para lang makita ang kabuuan nito. Parang n