Chapter 14: Haba ng hair HEATHER… BAKIT BA AKO pumayag na makasama ko ang tatlong ito. Kaya nga ako nagpapanggap na pangit para ‘di ako masyadong pansinin ng mga tao. Pansinin man nila ako at least they see me as a nerdy one. Hindi takaw pansin ang itsura ko, na may iba sa Akin. Na hindi nila ako makikita na hindi ako katulad niya. Pero ang tatlong ito, parang mga attention seeker. Hindi pala parang, dahil attention seeker nga ang nga ito. Napapailing ako sa tuwing may madadaanan kami ng grupo ng mga kababaihan magpapa-cute ang walang hiyang si A than. Napapataas ang kilay ko, pero hindi ko na lang pinapahalata. Sa tuwing bibilisan ko naman ang mga hakbang ko nahahabol lang din naman nila ako. “Athan, will you stop beaming smile to those women.” Narinig Kong saway ni Cassius k