Chapter 18: The Arevallo Family HEATHER… MAINGAY AT MASAYA ang buong habang kainan ng pamilya Arevallo. Marami ang nakahandang pagkain na halatang pinaghandaan ng pamilya ang gabing ito. Hindi naman masasabihin bongga o pinagplanuhan talaga ang gabing ito. Pero masasabi kong nakakaangat ito sa natural lang na hapunan ng isang pamilya. Ang daming pagkain na inihanda kahit na apat lang naman kaming kumakain ng hapunan. “So Heather, you’re soon to be doctor too. Nasabi lang ng anak ko kanina bago kayo dumating that you’re his former student,” ani ng Mama ni Dean nasa kalagitnaan na kami ng hapunan. I look at Dean that is now silently eating his meal and never look in anyone in here. “Yes, Ma’am. I’m currently on my third year in my pre-med course,” sagot ko na lang sa nanay ni Dean. “