Chapter 26: DEAN’S ORIGIN HEATHER… KITA ANG gulat sa mga mukha ng mga magulang ni Dean ng makita nila ako sa loob ng bahay ng mga ito. Gulat at pagkamangha ang nakikita ko sa mga mukha nila habang nakatitig sila sa akin. Sabagay, si Heather ang kilala ng mga ito hindi si Zero na siyang itsura ko na humarap sa kanila ngayon. Inabutan ko sila na masinsinan nilang pag-uusap, iyong nakita ni Cassius kanina. Kasalukuyan pa lang nagyayari ang lahat nang iyon. Na kasalukuyang nag-uusap ang mag-asawa tungkol kay Dean. “Sino ka? And how did you came inside our house?” tanong ni Enrico nang makabawi na ito sa pagkabigla. Pero hindi ko siya sinagot, nakatitig lang ako kay Darlene na nakatitig rin sa akin na parang kinikilala niya ako. Na parang kilala niya nga talaga ako dahil sa paraan ng pagk