Chapter 36: flesh and blood DEAN… KAILANGAN naming magtrabaho? This is absurd right, pero pumasok kami sa ospital the other day. Magkakasama kami, naiwan lang sa bahay sila Victoria at Cassius. Kailangan naming bumalik ng ospital sa kadahilanang baka magpakita doon si Quillon tulad kahapon. Kailangan namin siyang manmanan para may malaman kaming impormasyon tungkol sa mga magulang ko. Kaya papasok kami ng trabaho kahit na may Malaki kaming kinakaharap na problema. Namamangha talaga ako sa galing ni Cornelia, nagawan niya talaga ng paraan na magkaroon sila ng mga legal na papel. Like graduation certificate, records and such na alam kong hindi totoo. Tapos ngayon naka-uniform pa talaga silang tatlo. Kaya naiisip ko kanina bakit kailangan pa ng Attorney ni Heather noon. Samantalang kayan