CHAPTER 23: Ang magising sa kawalan DEAN… ANG BIGAT nang pakiramdam ko, hindi ko pa man naimumulat ang mga mata ko. Alam kong nakatulog ako, so dapat napahinga ang katawan ko. Ni hindi ko nga alam ramdam na nakatulog ako. Pakiramdam ko pagod pa rin ang buo kong katawan. Na parang bugbog naman sa biyahe ang pakiramdam ko. “You can open your eyes,” boses iyon ni Cordelia. Nang maalala ko si Cordelia, naalala ko ang lahat ng mga nangyari kagabi. Agad nga na napamulat ang mga mata ko. Para lang ipikit ulit nang masilaw ako sa sobrang liwanang ng paligid. Sa pagmulat ulit ng mga Mata ko nagulat ako nang mapansin nasa ibang kwarto ako. Na para akong nag-time travel, nasa sinaunang panahon ako. Iyong pakiramdam na nasa 1800’s ako, na kung saan isa akong prinsepe. “Hindi ka Prince, tuma