Dax’s POV “Nasaan na ba ‘yung dalawa? Handa na ang pagkain oh,” sabi ni Lola Menda na naglapag ng mga dahon ng saging sa lamesa. Wait. Para saan ‘yun? Kinakain din ba ‘yun? Ang weird, sana naman ay hindi dahil hindi ko kakainin ‘yan. There is a lot of food on the table. Ito ‘yung mga pagkain na hindi ko madalas nakakain o nakikita sa mga restaurant. ‘Yung smell ng mga food ay sobrang good. Nakakatakam pero ‘di ko sure kung masasarap ba dahil ang ilan sa mga ito ay talaga namang hindi ko pa kilala o hindi ko pa nakakain. May mga isda na parang sunog o ‘yung itsurang malutong. I think, ‘yon ang mga naaamoy kong mabango. Tapos mayroon ding manok na sinabawan na para bang mayroong mga dahon ng sili, ang weird nun, ‘di ko alam kung ano ang tawag. Meron din ditong talong na para bang dinikita