Juniper’s POV Twenty times nag-try magluto si Dax ng piniritong itlog. Sobrang dami niyang sinayang na itlog sa kusina ko bago niya na-perfect ‘yun. Pati ako ay parang na-stress dahil ang hirap niyang turuan. Takot na takot pa siya sa mantika kapag tumatalsik. Ngayon ay narito na ulit kami sa living area. “Kumusta ang lasa?” tanong niya sa akin nang matikman ko na ‘yung niluto niyang maayos-ayos ang itsura. Bago ako sumagot ay binigayan ko siya ng magandang ngiti. Nakatingin siya sa akin kaya dapat lang na magpa-cute ako. Habang hinihintay niya ang sagot ko ay sinamantala ko ang pagkakataon na nakatitig siya sa akin. Inubos ko muna ang pinirito niyang itlog bago ako tuluyang magsalita. “I think, dapat alam mo na ang sagot. Hindi ko naman mauubos ang fried egg mo kung hindi naman maayos