Juniper’s POV Saktong alas otso ng umaga nang makarating na kami sa Erk island. Tamang-tama ang oras na sinagot sa akin kanina ni Dax. Ang galing niya dahil saktong-saktong alas otso kami nakalapag dito. “Hotel ba ang titirhan natin dito ng limang araw?” tanong ko agad sa kaniya. “May villa din akong nabili rito, siyempre,” sagot niya habang nakasakay na kami sa isang tuktuk na sumalubong sa akin sa tabing-dagat. Kapag bilyonaryo ka, naka-set up na talaga ang lahat. Wala ka ng dapat problemahin pa kaya ang sarap ding kasama nitong si Dax. Ang ganitong bakasyon ang for sure akong hindi ako mapapagod. Kung mapagod man ako ay baka sa kama lang. Mukha kasing aaraw-arawin ako nitong si Dax. Habang tumatagal ay patindi na nang patindi ang pang-aaya niya, lalo at kung lasing pa. Hindi na a