Juniper’s POV Pilit akong tinatanong ni Dax kung ano ba ang totoong nangyari kung bakit umuwi ako nang mugto ang mga mata. Hindi ko naman masabi-sabi ang totoong nangyari dahil parang gusto ko na ring makinig kay Pojo. Ayokong mapahamak si Dax, baka kasi sa muli nilang paghaharap ay si Dax na ang mapuruhan. Saka, hindi rin natin masasabi kung ano ba talagang klaseng nilalang ang taong nakatira sa asul na bahay na ‘yun. Pero, hindi pa rin dapat ako lubos na naniniwala sa mga sabi-sabi ng mga tao. Talaga bang may ganoong tao? ‘Yung kayang manggaya ng mukha ng ibang tao? Parang nakapa-imposible eh. May part tuloy sa utak ko na parang gusto ko pa ring magmasid o magkaroon pa ng impormasyon tungkol sa lalaking nakatira sa blue house na ‘yun. Dumating na si Dax dito sa home theater na may d