Dax's POV Pumunta ako sa isa kong hotel. Doon ako tumuloy para maghanda ng sarili. Nagpatawag ako ng makeup artist at ng hairstylist. "Good morning, Sir," bati sa akin ng mga empleyado ko habang naglalakad na ako sa hallway. Mukhang hindi iinit ang ulo ko ngayon dahil nasanay na silang lahat na malinis ang kapaligiran. Dati, palaging umuusok ang ilong ko sa tuwing bibiglain ko sila ng gala dito. Madalas kasi akong makakita ng libag o kalat sa kung saan-saan. Kaya naman sa galit ko noon ay sinisante ko ang lahat ng mga janitor o janitress na dapat ay naglilinis ng oras na 'yun. Dinamay ko ang lahat para magtino silang lahat. Pero siyempre, tinanggal ko rin 'yung mga leader nila na siyang dapat sisihin dahil sila talaga 'yung mga walang kuwenta. Simula noon, hindi ko na nakikitang malibag