Di ko namalayan ang paglipas ng mga araw dahil naging abala ako sa pag-aaral. Sinisipagan ko talaga at sineryoso lahat lalo na roon sa English tutorial ko. Doon ako medyo mahina kaya tinututukan ko talaga. Mabait iyong ipinalit kay Ma'am Joy at naalala ko sa kanya ang Nanay ko. Magkasing-edad kasi sila at ang kaibahan lang nila ay mahinahon magsalita si Ma'am Delia habang nagtuturo, di tulad ni Nanay na noong tinuturuan ang mga nakababata kong kapatid ay may katabing pamalo. Noong mga unang araw namin sa tutorial ay nakabantay si Kenzo pero kalaunan ay sinilip-silip na lang niya kami hanggang sa nakampanti na siguro siya na di ako magbulakbol kaya ayon tuluyan na niya akong pinaubaya kay Ma'am Delia. Iyong English tutor ko naman na si Miss Lyn ay super bait din at ang pinakamahalaga