Naiiyak siya habang yakap yakap nito ng maramdaman niya ang tila paglaylay ng katawan ng matandang kayakap niya. "Lola?" Tawag niya dito. "La?" Tawag niya uli dito. Napatingin siya dito at ganun nalang ang sigaw niya ng makita ang mukha nito. "Ah...!" Kulay itim ang mukha nito na tila ba ay nalunod. Nakakatakot ang mukha nito. "Venice? Venice, love gising! Hey!" Dama niya ang malakas na pag yugyog. Napadilat siya at tuloyan na nakahinga ng mapansin na panaginip lang ang lahat, di totoong nagpunta ang kanyang ate Yvonne sa bahay, di totoong nanganak ito at lalo namang di totoo na patay ang kanyang lola. "Here drink this." Sabi ng katipan na may dala dalang isang baso ng tubig. "Salamat." Sabi niya matapos na inumin ang laman ng baso. Halatang umiiyak siya habang natutulog kani kan