Nawala ang ngiti ni Cherry at kumabog ang kanyang dibdib sa naging kutob. Bigla ay parang nais niyang umatras at umuwi na lang. Subalit huli na ang lahat dahil natanaw na niya ang VIP table na kinaroroonan ng mga kaibigan. May kasamang apat na lalaki ang mga ito na ang tatlo ay pamilyar sa kanya. Subalit sa lahat ay mas naging aware siya sa lalaking katabi ni Jamie na ang isang braso ay nakapatong sa sandalan ng silyang kinauupuan ng babae. Hindi alam ni Cherry kung bakit pero parang napaso siya sa nakita at agad na nag-iwas ng tingin. Napunta sa kanila ang atensiyon ng mga kaibigan na masayang nagsipagtili nang makalapit na sila. Pilit na ngumiti si Cherry at nakipagbeso sa mga barkada. Mula sa gilid ng mata ay nakita niyang bumakas na ang rekognisyon sa mukha nina Ross at Ryan. Si Jay