"So... may schedule ka ng training mo ng Monday to Thursday. Magpapabalik-balik ka rito sa kompanya n'yo at sa kompanya noong mentor mo. Depende sa schedule nila pero minsan ay mapapadalas ka rito at minsan naman ay doon ka mapapadalas. Ang Friday to Saturday ay para sa obligation mo sa career mo. Kasama na roon ang anumang photoshoot na mayroon sa kontratang pinirmahan mo... Magiging pahinga day mo ang Sunday..." I eyed Kian. Kunot na kunot ang kanyang noo habang nakatuon ang atensyon sa tablet. Binabasa n'ya ang magiging schedule ko. "May time na kailangang magbigay daan ang training mo para sa schedule mo as a model lalo na kung may mga importanteng event na kailangan mong puntahan. Ganoon din naman itong career mo, vice versa lang. Bigayan..." dagdag pa n'ya na parang sarili na lang