"Mr. Bourkeman, this is my niece, Sabina Ricaforte..." Tito Rafael turned to me. "Sabina, this si Mr. Dalton Bourkeman, isa sa loyal nating investor na nakabase sa Australia." Isang matamis na ngiti ang kaagad kong ibinigay sa lalaking ipinakilala sa akin ni Tito Rafael. Hindi naman ako nabigo dahil kaagad na lumiwanag ang mukha ng lalaking nasa early-thirties na yata. Nakapihit lang s'ya sa direksyon namin kanina pero ngayon ay kaagad na s'yang humarap sa amin. "Sabina..." Inulit pa ni Mr. Bourkeman ang pangalan ko na tila ba ay inaalala n'ya kung saan n'ya narinig iyon. "He's Kuya Marky and Ate Selena's only daughter," dagdag ni Tito Rafael. "Oh!" Kaagad na gumuhit ang recognition sa mukha ng investor nang banggitin ni Tito ang pangalan ng mga magulang ko. "Ang bata mo pa noong una