It's been hours since the news broke out. "Sabina, kumalma ka nga muna. Ni hindi ka pa kumakain ng kahit agahan! Lampas tanghali na pero hindi ka pa rin kumakain!" Hindila ako ni Kian paupo sa may kama. "Hilong-hilo na rin ako sa 'yo. Kanina ka pa pabalik-balik." Huminga ako nang malalim at tumingin sa malaking orasang nasa dingding. Mahigit kalahating araw na ang lumipas mula nang magsilabasan ang mga article tungkol sa aming dalawa ni Gian. Hindi lang naman iisang article ang lumabas at hindi lang sa iisang diyaryo. Pati nga sa TV ay naibalita na rin iyon sa entertainment section. Mas umingay pa nga iyon dahil sa press conference na ginawa ni Cordelia. Apat na oras na yata ang nakakalipas mula nang gawin n'ya iyon at hanggang ngayon ay sobra pa rin ang paglalabasan ng mga article tun