Chapter two: Strangers met again on a Party

1594 Words
CHAPTER TWO Natitigan ni Celine ang sarili sa malaking salamin. Nakaayos siya, at aaminin niyang hindi niya nakilala ang sarili dahil, todo inayos ang kanyang mukha. She is wearing orange tube gown na hapit sa kanya, may slit sa right legs niya. May mga glitters iyun sa hanggang sa baba, at siyempre orange din na may glitters ang kanyang mask. Para kasing masquerade ball ang kaarawan ng kanyang pinsan. "Oh, my gulay! Celine, is that you?!" Bulalas ni Dana nang matingnan siya. Kimi siyang ngumiti sa dalaga. "Holy angel!" ani naman ni Shaina. "Tumigil nga kayong dalawa! Ang arte niyo," ismid naman niya kunwari. Sabay na nagkatawanan ang dalawa niyang lukaret na kaibigan. "Really, hindi kita nakilala!" sabi na naman ni Dana. Pareho ang mga itong naka- gown. Sky blue kay Dana samantalang, seductive red kay Shaina. Pareho ring naayusan dahil, narito sila sa kaibigan nilang bakla. "See? Sinabi ko na sa inyo, ang beauty nitets bongga!" sabad naman ni Rei. "Tama ka, bakla!" kindat ni Dana. Nag- apiran ang mga ito at sabay- sabay humagikhik. She rolled her eyes, ang arte talaga ng tatlong ito. "Tara na at baka, naiinip na si Clara." Yaya ko na lang sa dalawa. "Ang taray mo talaga! Sana, makabingwit ka ngayong gabi!" nakangiting turan ni Shaina. "Ano 'yun, nangisda?" pairap kong sagot. "Asus! Alalahanin mo, matandang dalaga na tayo. No choosy, because no honey!" tugon ni Dana. Hinampas ko ang braso nito. Napangiwi sa sakit pero nakangiti pa rin. Nauna na akong naglakad, humahagikhik pa ring nakasunod sa kanya ang dalawa. Sumakay sila sa kanyang kotse at binuhay na niya ang makina. Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa bahay ng kanyang pinsan. Malaki at magara ito dahil may kaya sila. Ilang taon na ring hindi siya nagagawi rito. Ngayon nga lang siya pumayag na, dumalo sa kaarawan nito. Nagtatampo na kasi ito dahil ilang imbitasyon na ang kanyang tinaggihan. Lagi niya sinasabing busy siya pero ang totoo, ayaw niyang makita ang kanyang mga magulang. Naroon pa rin kasi ang sakit at hapdi gawa ng paghihiwalay nila. "Celine!" Narinig niyang tili ni Clara nang matanawan siya. Nasa main entrance kasi ito at kinakamayan ang mga pumapasok sa loob. Ngumiti siya at binilisan ang kanyang mga hakbang. Agad silang nagyakapan at nagkumustahan. "Ang ganda- ganda mo talaga, pinsan!" masayang wika ni Clara habang pinapasasahan siya nang tingin. "Ngayong gabi lang, huwag kang mag- alala." nakangiti niya ring sagot. "And I'm sure, this two was Dana and Shaina!" Baling nito sa dalawa niyang kasama. "Yes! Happy birthday!" sabay na sagot ng dalawa. "Thank you! Anyway, get inside and enjoy!" tugon ni Clara. "Okay! Happy birthday, Clara!" sagot naman ni Celine sabay abot sa dala niyang regalo. "Thank you, my dear!" masayang tugon ni Clara saka muling niyakap si Celine. Binalingan niya sina Dana at Shaina at sinenyasang pumasok na sila. Nakakamangha sa loob, talagang todo dekorasyon ang buong paligid. Mukhang, espesyal nga ang okasyon. Inilibot niya ang kanyang tingin, nahagip ng kanyang mga mata ang ginang na matamis kung makangiti. Banayad siyang ngumiti at humakbang siya papalapit dito. "Kumusta po?" wika niya sabay mano sa kamay ng ginang. "Kaawaan ka ng Poong Maykapal, anak." sagot ng ginang saka niyakap si Celine. "Napakaganda mo talaga, Celine." nakangiting sabi ng ginang. "Matagal na po, Mama!" pagbibiro niya. Natawa rin ang ginang at saka muling hinaplos ang mukha ng anak. "Si Papa po?" tanong niya. "Nandiyan lang siya kanina, kasama ang binata niya." sagot ng kanyang ina. Napatango- tango siya. Nakita niyang may kausap na namang mga lalaki ang dalawa niyang kaibigan. Napapailing- iling na lang siya, nakakatiyak siyang mag- eenjoy na naman ang dalawang bruha. Nagpaalam siya sa kanyang ina upang hanapin ang kanyang ama. Ilang ikot lang at nakita naman niya itong may mga kausap. "Kumusta po?" untag niya rito saka siya nagmano. Ngumiti ito sa kanya at hinaplos ang kanyang ulo. Tinitigan siya ng kanyang ama at tumango- tango. "Very beautiful, my daughter!" ani nito. Ngumiti rin siya saka niya binati ang kanyang step- brother. Maya- maya pa'y may nagsalita na sa mikropono. "Attention, please? This day is my very special day! So folks, wear your mask and enjoy the night!" tinig ni Clara. Nagpalakpakan ang lahat, napailing- iling din siyang sinuot ang kanyang mask. Niyaya siya ng kanyang half- brother na sumayaw. Pinaunlakan naman niya ito. "You're still beautiful, sister." Wika ni Luke. "Thank you!" matipid niyang sagot. "So, wala ka ng balak makasal niyan? Happy as a single?" tanong ng binata. "Well, yes!" Natawa niyang sagot. Tumawa rin si Luke saka napailing- iling. Kahit naman papaano, magkasundo naman sila. Parehas na kasing hindi nagkaanak ang kanyang mga magulang ng babae. Puro lalaki ang naging bunga sa kani- kanilang mga naging asawa. Kaya, kahit anong approached ng kanyang mga magulang sa kanya, dumidistansiya talaga siya. Masakit kasi para sa kanya na nagkahiwalay ang mga ito, hindi inisip kung ano ang mararamdaman niya. Natapos ang kanilang sayaw, hinatid siya ni Luke sa kinaroroonan ng kanilang ama. "How are you, Celine?" tanong ng ama niya. "Okay lang naman po," sagot niya. "I see, anak! I'm happy for you," tugon ng papa niya. Ngumiti siya rito saka siya tumango- tango. Nagpaalam na siya rito at kumuha ng isang basong alak. Hindi siya sanay uminom pero gusto niyang uminom kahit ngayong gabi lang. "Hey! Kumusta naman ang reunion niyo ng mga parents mo?" Mula sa kanyang likuran ay si Dana ang nagsalita. Kagaya niya may hawak din itong baso ng alak. "Okay lang naman." sagot niya. "Ganyan nga. Let it go, para mabunutan ka na ng tinik sa dibdib." turan ni Dana. "Oo na! Nasaan 'yung kasama mong bruha?" Tugon niya. "Hayun! May nakitang yummy, hindi na iniwan," nakangising wika ni Dana. Napabuga siya nang hangin. Kahit kailan talaga ang babaeng iyun! "Huwag ka nang magalit, enjoy the night na lang. Saka dapat mangbingwit ka na rin, andaming yummy oh!" sabi ni Dana sabay libot ang paningin nito. "Sira!" Pandidilat niya rito at humakbang siya palayo. Narinig pa niyang tumatawa si Dana na tila kinakantiyawan talaga siya. Umupo siya sa mesang nasa gilid, manonood lang siya. Andami ngang mga Adan, kaliwa't- kanan. Pero 'di naman niya kilala ang lahat, malay mo lang ang iba demonyo. Nagkukubli sa mga maaamo nilang mga mukha. Sa mga naglalakihan nilang mga masel at naglalakihang dibdib. Napapikit siya at umiling- iling siya. Ano ba itong kanyang naiisip? Aba! Para na siyang may pagnanasa sa mga lalaki, kasalanan ng lalaking nakabangga niya sa Mall eh! Natigilan siya, bakit niya naalala ang lalaking iyun? Tumayo siya at tinungo ang mesang may mga alak. Kumuha siya ng dalawang baso saka bumalik sa kanyang mesa. Panay pa rin ang sayawan ng iba, mukhang enjoy ang lahat. Muli siyang uminom ng alak at nakatingin lang sa mga nagsasayaw. Hanggang sa hindi niya namalayang nakainom na siya ng tatlong baso. "Can we dance?" untag sa kanya ng lalaking naka- man in black. Parang pamilyar ang boses nito pero hindi niya maalala kung saan niya narinig. Napakurap- kurap siyang nakatingala rito, nakasuot ito ng mask pero ang ganda ng mga mata nito. Nginitian siya, may biloy ito sa pisngi. At kung ngumiti, nakakahawa. "S- Sure." utal niyang sagot. Nahihilo na siya, alam niyang naapektuhan na siya ng kanyang ininom. Inabot niya ang kamay ng lalaki, napasinghap siya. Para siyang kinuryente sa lahat ng parte sa kanyang katawan. Napakainit ng palad nito dahilan upang magsitayuan ang kanyang mga balahibo. Pumailanlang ang tugtog na Destiny, para siyang idinuduyan. Napakapit siya nang husto sa balikat ng lalaki. "What's your name?" tanong nito sa may punong- tainga niya. Nanayo ulit ang kanyang mga balahibo, na mas lalong nagpaliyo sa kanya. Napalunok siya. "C- Celine," utal na naman niyang sagot. God! Bakit ba ako nauutal sa lalaking ito. She felt hotness in her entire body, first time in her life. Siguro dahil sa kanyang nainom na alak. Nakita niyang ngumiti ang lalaki. "I'm Xander," wika ulit nito. Muli na naman siyang napapikit. That sensation, make her more dizzy and hot. Napasandal tuloy siya dibdib nito, rinig na rinig niya ang pintig ng puso ng lalaki. Nag- angat siyang muli ng kanyang mukha, nakatitig pala ito sa kanya. "You're so beautiful," anas nito sabay haplos sa kanyang pisngi. Napapikit na naman siya. Oh, God! Bakit nanginig ang kanyang mga tuhod at nahihirapan siyang huminga. "Don't fell nervous, I can ease that," muling wika ng lalaki. "Ahm, can we sit now?" lakas- loob niyang sabi. "Sure." nakangiti nitong sagot. Nakahawak pa rin ang lalaki sa kanyang baywang, habang siya nakakapit pa rin siya sa mga bisig nito. Naliliyo kasi siya at naiinitan na ninenerbiyos. Tuyong- tuyo na rin ang kanyang lalamunan. "You want wine?" tanong ng lalaki sa kanya. Wala sa sariling napatango siya. Ilang saglit lang at nagbalik ito sa kanyang kinaroroonan dala ang isang baso ng alak. Agad niyang kinuha iyun at mabilis na tinungga. "Hey! Hinay- hinay lang," sabi ng binata saka umupo sa kanyang tabi. Nanayo na naman ang kanyang mga balahibo sa simpleng pagkakadikit ng kanilang mga braso. Talagang naiinitan na siya na hindi niya mawari. "Are you okay?" tanong ng binata. "I- I need to refresh myself," tugon niya na parang pumiyok pa siya. "Sasamahan na kita baka, mabastos ka pa ng iba. Mukha kasing, natamaan ka na sa ininom mo," wika ng binata. Agad siyang napatingin dito, mukha naman itong sinsero sa mga sinabi niya. Marahan siyang napatango sabay tayo. Inalalayan naman siya nito hanggang sa hardin ng bahay. Saka lang siya nakahinga nang maluwag, napapikit pa siya habang banayad na siyang nakakahinga 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD