Chapter three: The Strangers fling

1099 Words
CHAPTER THREE Magkatabi sila ng lalaking nakaupo sa may bench na naroon. Gusto man niyang umusog para hindi sila magkadikit ay hindi niya magawa. Para siyang nilagyan ng stick glue upang hindi makagalaw. "Okay ka na ba?" tanong nito sa kanya. Naamoy niya ang nakakaliyong hininga ng lalaki. Napalunok na naman siya, at nag- iwas ng kanyang tingin. "O- Okay na ako," kandautal niyang sagot. Napapitlag pa siya nang hawakan ng lalaki ang kanyang kamay. "Your hands are cold, are you nervous?" wika naman ng binata. "H- hindi," nautal na naman niyang tugon. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit ba ganito ang dating sa kanya ng lalaking ito? Hindi siya makapagsalita nang normal o makakilos man lang nang normal. "You're not okay," turan ng binata. Minasahe nito ang kanyang kamay saka ito hinipan. Mas lalo tuloy siyang kinabahan at nanuyo ang kanyang lalamunan. Banayad niyang binawi ang kanyang kamay. Saka namumula ang kanyang pisngi, ramdam niya. Muli siyang nag- iwas nang tingin, napapalunok talaga siya. Nadadala siya sa mga ngiti nito, ang mga titig nito. Pakiramdam niya, parang nagliliyab ang kanyang katawan at hindi siya makahinga. "May boyfriend ka na ba?" Narinig niyang tanong ng binata. "No! I mean, wala as in ayoko ng commitment," agad niyang sagot. Hindi umimik ang binata. Bigla naman siyang tumayo, sukat- doon ay nawalan siya ng balanse. Naramdaman niyang sinalo siya ng binata. At siste tuloy, para silang nagsayaw ng tango na siya ay lumiyad at nakaalalay ang isang kamay ng binata sa kanyang likod. Habang ang isa namang kamay nito ay nakahawak din sa kanyang isang kamay. Nagkatitigan sila nang matagal, at matagal din sila sa ganoong ayos. Halos mabingi si Celine sa kabog ng kanyang dibdib. Ilang ulit din siyang lumunok- lunok at tinangkang magsalita. Subalit walang tinig ang lumabas sa kanyang bibig. Naramdaman na lamang niya ang mainit na labi ng binata na dumampi sa kanyang labi. Napapikit siya, hindi niya namalayang naitayo na siya nito. Magkahinang pa rin ang kanilang mga labi, ninanamnam ang tamis ng kanilang halikan. Napapakapit tuloy siya sa batok nito dahil nanginginig ang kanyang mga tuhod. Naalis ang kanyang maskara, saglit siyang tinitigan ng binata saka muling siniil ng halik. Napapaungol naman si Celine sa sensyong nararamdaman. Pakiramdam niya uhaw na uhaw siya. Mainit at naliliyo, naramdaman niyang naipasok ng binata ang kamay nito sa kanyang dibdib. Habang pangko siya patungo sa isang kotse. Hindi niya alam kung kailan nabuksan iyun at kung paano sila nakapasok. "Ohhh!" Kumawala mula sa bibig ni Celine ang isang ungol. Tuluyan nang naibaba ng binata ang tube ni Celine na walang bra. Tanging ang foam ng kanyang gown ang sumusuporta sa malulusog niyang dibdib. Marahang minasahe iyun ng binata na mas lalong nagpaungol kay Celine. Medyo masakit pero may halong kiliti ang dulot nito sa kanya. "Ohhh!" Muli niyang ungol nang maramadamang sinipsip ng binata ang mamula- mula niyang n****e. Nasasabunutan niya tuloy ang binata. Tuluyan nang naibaba ng binata ang kanyang gown. Napapikit muli siya nang himasin ng binata ang kanyang mga binti, kasabay ang paghalik nito sa kanyang tiyan. Napapaliyad siya, para siyang may kumbulsyon na hindi alam ang gagawin. Bigla siyang napamulat nang ibaba ni Xander ang kanyang panty. Marahan niya itong itinulak at niyakap ang sarili. Natigilan naman si Xander at napatitig sa dalaga. Agad pinulot ni Celine ang kanyang panty at kanyang isinuot pati ang kanyang gown. Nang hindi niya maabot ang zipper nito sa kanyang likod, si Xander na ang kusang nagsara no'n. "I'm sorry," mahinang sabi ng binata. Hindi siya sumagot, nakadama siya nang hiya. Halos mapapaiyak na nga siya, kamuntikan na. Ano ba kasi ang kanyang nakain? "Where's your home? I will send you there," muling sabi ni Xander. "No need, may sasakyan ako." Tanggi niya, hindi pa rin siya tumitingin dito. "I insist! Hindi mo na kayang magmaneho, lasing ka na at nanginginig ka pa." Pagpupumilit ng binata. Hindi siya umimik. Siguro nga. Narinig niyang umandar ang sasakyan ng binata at umusad na iyun. Wala silang imik habang nasa daan sila. At hindi siya tumitingin sa binata. Nanatiling nasa daan ang kanyang tingin. "Your address," untag sa kanya ng binata. Naalala niya tuloy, naiwan niya ang kanyang bag sa loob ng kanyang kotse. Pati ang kanyang phone, naroon sa kotse kasama ang susi. Sabagay, alam naman ni Dana ang mag- drive 'yun kung hindi ito lasing. Inabot ng binata ang phone nito sa kanya, inabot naman niya ito at isinulat ang kanyang address. Ilang minuto lang ay nasa harapan na siya ng kanyang tahanan. "Look, I'm sorry! I did not intended, but I'm captured with your beauty," wika ni Xander. Natigilan si Celine sa pagbaba niya sana mula sa sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang nag- udyok sa kanya upang lingunin ang binata. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang wala na ang maskara nito. At mas lalong hindi siya makapaniwala nang makilala niya ito. Ito ang lalaking nakabanggaan niya sa may Jewelries shop, ang masama pa tinarayan niya ito. Para siyang maduduwal sa natuklasang katotohanan. "I hope you don't hate me because of what happened," muli nitong wika. Napakurap- kurap siya at nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Dire- diretso siyang pumasok ng gate kahit na nahihilo. Kinapa niya ang kanyang susi sa may hanging vase na may lamang halaman. Ni hindi siya lumingon sa binatang alam niyang naroon pa rin. Nang mabuksan ang pinto ay agad siyang pumasok at isinarado iyun. Nanghihina siyang napasandal sa pintuan, halos hindi siya makahinga. Pagapang siyang pumunta sa sala at nahiga sa may sofa. Nasabunutan niya ang sariling buhok. "Ahhh!" sigaw niya. Nakakahiya! Nakakahiya ang kanyang ginawa, lalo pa't tinarayan niya si Xander sa shop. At ito rin pala ang kamuntikan nang makakuha ng kanyang iniingatan. At ito rin ang nakakuha sa kanyang first ever kiss! Mariin siyang napapikit, alam niyang pulang- pulang siya. Ngunit, tila nararamdaman pa rin niya ang mga haplos at halik ng binata. Dinama pa ng kanyang daliri ang sariling labi, napalunok tuloy siya at bahagyang nag- init. "No! I promise, ito ang huli na naming pagkikita!" wika niya sa sarili. Pinilit niyang tumayo at tinungo ang kitchen, binuksan niya ang kanyang refrigerator at kumuha siya ng tubig. Agad niyang ininom iyun, nang hindi pa rin humuhupa ang init na kanyang nararamdaman tinungo niya ang bathroom. Agad siyang naghubad at tumapat sa shower at binuksan iyun. Nagbabad siya sa tubig hanggang sa maginhawaan na rin siya. Umahon siya at nagpalit na ng damit saka humiga sa kanyang kama. Hindi na talaga niya makikita pa ang lalaking iyun, pangako niya sa kanyang sarili hanggang sa makatulog na rin siya 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD