CHAPTER 35 CALL ME, KUYA! “Mama?" “Sinong mommy ang tinutukoy mo anak?" Ngumiti ako kay mama habang nilapag niya ang kanin sa lamesa pagkatapos bigyan si papa. “Ah, mommy? Ano po, uhmm. Binasa ko lang po ang lumabas sa screen sa phone ni boss ma, na tumatawag si mommy niya. Di ba, sir?” Magkunwari ka please. Lagot ka talaga sa akin kapag pumalpak tayo. Kasalanan mo lahat ito boss Izaak. "Yes po, si mommy po ang tumawag kanina, sasagutin ko lang po. Excuse me.” Thank you boss, ang sarap mo talagang ka bonding, magkakasundo tayong dalawa. Tumayo siya at pumunta muna sa labas ng bahay para sagutin ang mommy niya na tumatawag. Hindi kasi namin na tawagan kanina kaya ngayon tumawag, at for sure, tatanungin kung saan ako. Omg! Baka sabihin ni boss na nasa bahay namin ngayon at birthday k