CHAPTER 40 CALL ME, KUYA! “Ta-tayong dalawa ang matutulog dito?” Tanong ko sa kanya at binalik ang tingin sa kama. Malapad naman ang kama at may limang unan na naroon, pwede ko naman sigurong ilagay sa gitna ang iba para may harang at saka pa natutulog na rin kami na magkasama sa kwarto ko, then bakit ako kinakabahan? Marahil nasa ibang lugar kami ngayon kaya ako ganito, kasi kung sa bahay ay hinahayaan ko lang naman siya minsan, na matulog sa kwarto ko dahil nariyan sina mommy or daddy. And so far, wala naman siyang ginawang masama sa akin kundi ang matulog lang siya ng mahimbing katabi ko at sa aming dalawa, ako lang yata ang malikot kung matulog. Tumingin ako sa sofa na naroon sa kwarto at nakita na malapad naman ito at mahaba, pwede na rin na diyan ako matutulog mamaya, ano? “Ye