CHAPTER 44 CALL ME, KUYA! “Ku-kuya, ikaw pala… I mean kayo pala.” s**t! Bakit ba ako nauutal, siya lang naman ang kaharap ko at ang tumawag sa kanya na babe niya raw. Nakayakap pa rin ang babae sa braso ni Izaak. Binalewala ko na lang. “Hindi ka pa natutulog? Anong oras na?" Hilaw akong ngumiti sa tanong ni kuya. Ano ba ang irarason ko? Hmmm. “Uhmm, ano? Gusto ko sanang lumabas." pagsisinungaling ko. "Ganitong oras?" Sos, ayaw niya ba? Bakit gusto niya ba talaga na nakikita ko silang dalawa na naglalampungan sa loob ng kwarto habang narito ako sa loob. Baliw ba. “Oo sana… naiinip na kasi ako at saka pa, hindi pa naman ako inaantok dahil natulog ako buong maghapon, kaya lalabas lo sana ako kahit saglit lang.” Tanging rason ko. "Hayaan mo na siya babe, let's talk about us insid