CHAPTER 30 CALL ME, KUYA! “Sabi na lumabas ka nga ng kwarto ko! Alis!” Palayas ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya habang inuubos ang cake niya. Sarap sanang kumain ng cake na yan dahil mukhang masarap pero dahil siya ang nag-abot sa akin ay nawalan lamang ako ng gana. “No! I'm going to stay here, iyon ang sabi ni mommy na humingi ako ng sorry but without your forgiveness ay hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako pinatawa." Sambit niya. Nakapamewang akong nakadungaw sa kanya habang nasa gilid siya ng kama ko nakaupo at kumakain pa rin ng cake habang nakatingala sa akin, gusto pa yata akong akitin ng cake na mukhang masarap nga pero dahil galit ako sa kanya kaya di bale na lang. “Eh, sa baliw ka kanina. Tapos, agad-agad patatawarin kita? Iniwan mo pa nga ako sa kotse na hindi ma