CHAPTER 26 CALL ME, KUYA! “Whoa! Grabe ang kaba ko boss dahil sa mga nangyayari sa bahay niyo. Hindi ko ma imagine ang sarili ko na parang nasa isang libro ako na binabasa at nasa exciting parts na po tayo. Buti na lang at pumayag si mommy Maribel na sasama ako sa'yo dahil kung hindi, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko na pagsisinungaling.” Kwento ko sa aking boss na siya namang nakikinig sa akin. Bumaling siya sa akin at binalik agad ang tingin sa kalsada dahil siya ang nagmamaneho ng kotse. “I know, napansin ko nga na malapit ka ng maputla dahil sa biglaang pangyayari. I'm sorry for what had happened. Sana hindi ka na pressure sa mga nangyayari.” Aniya. Ngumiti ako, "hmmm, hindi naman, masaya nga ako na kahit papano ay napasaya ko ang ina mo. Sana okay po yong ginawa ko na pagpap