CHAPTER 32 CALL ME KUYA! Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang puting kisame. Until now, hindi pa rin ako sanay na nagigising sa ibang kwarto. Parang nasa kulungan ako na nahihirapan na kumilos dahil sa sobrang siksikan at dito naman ay hindi ko pagmamay-ari ang mga gamit na narito kundi sa pamilyang Legaspi lalo itong kama na tinutulugan ko na kay sarap gumulong-gulong dahil sa sobrang lambot ng mattress foam. Napabuntong hininga ako at tumagilid ng higa pero nagulat ako na nakita ko si kuya Izaak sa gilid ng kama ko nakatayo at nakapamewang na nakadungaw sa akin. “Ku-kuya Izaak, ka-kanina pa kayo riyan?" Tanong ko sa kanya na ngayon ay nakatingin sa akin at ngumiti. "Not really, ten or fifteen minutes pa lang akong naghihintay sa'yo na magising ka.” Huh