[Paris' pov] Ilang araw ang lumipas mula ng malaman kong tutor ni Scarlet si Carl. Ngunit nitong nakaraang mga araw ay napapansin na lagi sila magkasama sa school. Tulad na lang ngayon na pumasok sila ng canteen habang nakalingkis si Scarlet kay Carl. Akala ko ba nagtututor lang siya? Inis kong itinusok ang tinidor ko sa kinakaing cake. Iniisip ko na ang cake na ito ay si Scarlet. Kanina pa kasi ako nangangati na tusukin siya ng tinidor na ito. "Eww! Exotic human pala ang taste ni Scarlet." Nandidiring sabi ni Kylie habang nakatingin sa direksyon nina Carl. "Si nerd talaga?" Gusto ko sana ipagtanggol na huwag nilang ituring na parang may sakit na nakakahawa si Carl. Ngunit tuwing nakikita ko ang nakalingkis na braso ni Scarlet sa kanya ay umiinit ang ulo ko. Para bang gusto ko manapak