[Paris' pov] Muling nag-ring ang aking phone kaya agad ko pinahid ang aking luha. Hindi na ako nag-abala na tignan ang tumawag dahil inaasahan ko na si dad muli ito. Marahil nay nakalimutan pa siyang sabihin sa akin mula sa una niyang tawag. "H-H-Hello d-dad..." Pagpiyok ng boses ko dahil sa labis na pag-iyak Napatakip ako ng kamay sa aking bibig dahil hindi ko naitago ang aking pag-iyak. Alam ko na malulungkot si dad kaya narinig niya ako na umiiyak dahil sa akala niyang magandang balita. (...) Nagtaka naman ako nang walang sumagot sa akin mula sa kabilang linya. Napatingin ako kung sino ang tumawag. Nanlaki ang mga mata ko nang malaman na hindi si dad ang tumawag kundi si Carl What a perfect timing, Carl. Lagi na lang magpaparamdam siya sa akin tuwing umiiyak at malungkot ako. (I