[Paris' pov] Nang uwian na ay wala ako nagawa dahil naunahan ako ni Scarlet na malapitan si Carl. Hindi ko maiwasan masaktan habang nakikita na masaya sila na nag-uusap. Bakit ganito ang naging kapalaran ko? Bakit ko ba pinipilit ang sarili ko na mahalin ako ng mga tao? Nakakasawa rin ang ganito. Sakto na nagtext si Sir Fey. May photoshoot ako ngayon. Wala na siguro dahilan para magpaalam ako kay Carl. Nasa tabi na niya si Scarlet. **** Pagdating ko sa venue ay tulad pa rin ng dati. Masasama ang binibigay sa akin na tingin ng mga insecure na mga modelo. Umupo ako sa isang sulok. Biglang nagtilian ang lahat ay may pumasok na isang lalaki. Batay sa kanyang itsura mukhang matagal ng modelo ito. "ang gwapo gwapo talaga ni Kael" komento ng mga babae na malapit sa aking kinaroroonan Pina