[Paris' pov] Umiiyak ako muli ngayon pero hindi katulad ng dating dahilan. Napahawak ako sa dibdib ko. Mas masakit ang nararamdaman ko ngayon. Ganito pala ang naramdaman ng mga taong binusted ko. Hindi ako magtataka kung may sama sila ng loob sa akin. Pero hindi naman naipipilit ang pag-ibig. Kasama na ako sa grupo na tinatawag na friendzoned. Pero at least hindi nawala ng tuluyan ang koneksyon namin ni Carl. Siguro dapat makuntento ako kung ano ang kaya niya ibigay. Kahit kaibigan lang... Speaking of kaibigan...hindi na bumalik iyong sina Hannah. Ang sabi nila ay may importante lang silang gagawin pero babalikan nila ako. Napahiga ako. Gaano ba ako kahirap mahalin? *ding dong* Napabangon ako dahil baka sina Hannah na iyon. Pero nang buksan ko ang pinto ay mukha ni Kael ang bumung